NAGPAAWAT si Pangulong Rodrigo Duterte kay National Security Adviser Hermogenes Esperon sa pagpapalabas ng narco-list.
Ayon sa Pangulo, hindi muna niya mailalabas ang narco list na nagsasangkot sa ilang indibidwal sa operasyon ng illegal drugs dahil hinihintay pa niya ang clearance na ilalabas ng national security na kasalukuyang bumubusisi sa listahan.
Sinabi ng Pangulong Duterte, sa oras na bigyan na siya ng go signal ng national security, agad niyang isasapubliko ang narco list.
Inihayag ng Pangulo, kasama sa narco list ang 3,600 barangay chairman sa buong bansa, at 6,000 pulis.
“Sad to say, really the big ones, nandoon sa labas. And they are operating, I would like to show you the matrix kung maaari lang. Kung meron lang tayong national security clearances niyan, e ipapakita ko na diyan sa inyo kung papaano. And it’s being operated by electronics now,” ayon sa Pangulo.
( ROSE NOVENARIO )