Friday , November 15 2024

P2-M kada ulo ng ninja cops (Pangako ni Duterte)

PAGTATAKSIL sa bayan ang pagre-recycle ng shabu ng mga pulis o ang pagiging  ninja cop.

Sa kanyang talumpati kahapon sa pagbisita sa Camp Col. Romeo Abendan sa Mercedes, Zamboanga City, nag-alok si Pangulong Rodrigo Duterte ng P2 milyon sa bawat ninja cop na mahuhuli ng mga pulis dahil maituturing na treason ang ginagawa ng naturang pulis na imbes magpatupad ng batas ay siya pang lumalabag.

Inatasan niya ang mga pulis sa Region 9 na kumuha ng kopya ng listahan ng ninja cops para hulihin.

Ngunit paalala niya sa mga pulis, huwag magkompiyansa sa operasyon dahil maaaring sila ang mapaslang ng mga aarestohing ninja cop na armado rin ng baril.

“Pa-ninja-ninja pa kayo kunin n’yo listahan sa award P2 milyon per head ako special price ‘yan ‘pag pulis imagine pulis ‘yan gumawa ka that’s treason. Basta Ninja, pero ang importante nakuha ninyo ang message ko… ‘wag kayo magkompiyansa,” aniya.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *