SA kabila ng mga paalala ng mga kaalyado at bantang pagbawi sa foreign assistance, muling nagpakawala nang maaanghang na salita si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa US, United Nations (UN) at European Union (EU).
Sinabi ni Pangulong Duterte, akala mo kung sino, lalo na ang US, na makapag-lecture kaugnay sa human rights.
Ayon kay Pangulong Duterte, dapat dalhin sa tamang forum gaya sa UN Security Council, ang reklamo sa kanya imbes sa media nag-iingay.
Una rito, kinompirma ni Pangulong Duterte na nagpadala siya ng sulat kay US President Barack Obama at United States Department, United Nations (UN) at European Union (EU) para imbestigahan ang nangyayaring extrajudicial killings sa bansa.
Ngunit gaya nang naunang sinabi, nagbigay ng kondisyon ang Pangulo, sakaling mag-imbestiga ang international community sa mga nangyayaring patayan sa bansa ay iginiit niyang payagan din siyang magtanong sa mga isyu na kinahaharap ng mga bansang mag-iimbestiga sa kanya.