Monday , December 23 2024
Duterte CPP-NPA-NDF
Duterte CPP-NPA-NDF

Peace talk sa reds positibo sa EU

UMAASA ang European Union (EU) na maseselyohan na ang usapang pangkapayapaan ng administrasyong Duterte at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) bago matapos ang 2016.

Sinabi ni EU Ambassador Franz Jessen sa kanyang open letter sa Facebook website, kahit sa nakalipas na 100 araw ay tinadtad ng batikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EU, United Nations, US at maging si US President Barack Obama, bunsod nang pagbanat sa sinasabing extrajudicial killings na dulot ng drug war ay kinikilala niya ang kahalagahan nang isinusulong na negosasyong pangkapayapaan ng administrasyong Duterte sa komunistang grupo.

“The ongoing peace process remains an area where President Duterte may have an early and very important breakthrough,” ani Jensen.

Ang Norway ay bahagi ng EU, na tumatayong third party facilitator sa peace talks ng PH government at CPP-NA-NDF.

“One hundred days passed very fast, lots of changes, new policies, new language, and many interpretations of statements and developments,” aniya.

Through those 100 days, President Duterte had been cussing, swearing, hurling profanities at the EU, the United Nations, as well as US President Obama for their criticisms on the summary killings of some 3,000 people under an intensified drive against illegal drugs.

Aminado si Jensen, hindi madali ang pinagdaraanan ng EU at iba pang multilateral organizations sa pagbira ni Duterte sa kanila ngunit bahagi aniya ng kanyang tungkulin ay unawain ang mga pagbabago, bagong ideya at pananaw na umiiral sa Filipinas na kanilang host country.

Mananatili aniya ang kompiyansa ng mga mamumuhunan mula sa EU na magnegosyo sa Filipinas.

( ROSE NOVENARIO )

Rights concern dalhin sa tama at ukol na forum

SA kabila ng mga paalala ng mga kaalyado at bantang pagbawi sa foreign assistance, muling nagpakawala nang maaanghang na salita si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa US, United Nations (UN) at European Union (EU).

Sinabi ni Pangulong Duterte, akala mo kung sino, lalo na ang US, na makapag-lecture kaugnay sa human rights.

Ayon kay Pangulong Duterte, dapat dalhin sa tamang forum gaya sa UN Security Council, ang reklamo sa kanya imbes sa media nag-iingay.

Una rito, kinompirma ni Pangulong Duterte na nagpadala siya ng sulat kay US President Barack Obama at United States Department, United Nations (UN) at European Union (EU) para imbestigahan ang nangyayaring extrajudicial killings sa bansa.

Ngunit gaya nang naunang sinabi, nagbigay ng kondisyon ang Pangulo, sakaling mag-imbestiga ang international community sa mga nangyayaring patayan sa bansa ay iginiit niyang payagan din siyang magtanong sa mga isyu na kinahaharap ng mga bansang mag-iimbestiga sa kanya.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *