NGAYONG Oktubre 18, 2016, ipagdiriwang po namin ang Ika-13 anibersaryo HATAW Diyaryo ng Bayan na itinatag ng aming iginagalang at minamahal na makatao, makabayan at maka-Diyos na si ALAM national chairman and former National Press Club President Jerry S. Yap. More power and may your tribe multiply. Godspeed.
PSYCHIATRIC TEST SA SENATE PANEL
Lahat pati mga witness para malaman ng bayan kung sila ay credible witness o credible liar or burn them all to hell.
Pagsasayang lang ng panahon at oras ang ginagawang senate hearing kay Matobato sa pakikinig ng mga senador. Dahil ba na ang ilan sa ating mga mambabatas ay ibig lang maki-ride on sa libreng publicity na kunwari’y may malasakit ang mga senador sa mga kaawa-awang credible liar o aktor at reyna ng NBP. !@#$%^&*()
Ang katuwirang lagi ng ating mga mambabatas ay in aid of legislation kuno lalo kung may hidden agenda sila. Wasak ang pagkatao na babanatan nila sa privilege speech. Immune kasi sila sa kasong libel. Isang malaking katarantaduhan.
Ang trabaho ninyong talaga, kayong mga senador at mga congressman ay gumawa ng batas. Ni pork barrel wala kayong pakialam, ang tatakaw ninyong lahat (Senador Lacson not inlcuded)! Kayo’y inihalal ng bayan hindi bilang entertainer, palibhasa’y ilan sa ating mga senador ay nanggaling sa mundo ng aliwan. Kayo ang dapat isalang sa senado. Kaya dapat lamang na kayong lahat na mga mambabatas ay isalang sa isang psychiatric test.
***
Kasabay din po nito ang aking taos-pusong pagbati sa aking mag-ina na may kaarawan sa Oktubre 3 at 18, 2016. Ang aking minamahal na mag-ina na sina Angela at ang youngest son ni Afuang na si Abaffelle, now 21 years old. Just graduated with the degree of IT in Informatics College.
May our God Lord Jesus Christ gives both of you long and healthy long life to live. Papa love’s you all. Godspeed.
KONTRA SALOT – Abner Afuang