MAGANDA ang pasok ng ber months para sa ABS-CBN matapos magtala ang Kapamilya Network ng average national audience share na 46% noong Setyembre base sa pinakahuling datos ng Kantar Media.
Walo sa top ten na pinakapinanood na programa sa bansa noong nakaraang buwan ay mula sa ABS-CBN sa pangunguna pa rin ng FPJ’s Ang Probinsyano na may average national TV rating na 39.2%.
Kasalukuyang ipinagdiriwang ng programa ang una nitong anibersaryo sa ere at unang anibersaryo rin ng pagbabahagi nito ng makabuluhang mga aral sa mga manonood.
Sinundan naman ito ng bagong paborito sa weekend na Pinoy Boyband Superstar (34.5%), na lumalaban ang mga guwapo at talented na mga binata para sa pangarap at pamilya, at ng fantasy drama na Wansapanataym (34.2%).
Nananatiling nangungunang newscast ang TV Patrol (33.1%). Agad namang nakuha ng kakalunsad lang na Magpahanggang Wakas ang ikawalong puwesto sa average national TV rating na 25.2%. Inaabangan na nga ng sambayanan ang kahahantungan ng pag-iibang Aryann (Arci Munoz) at Waldo (Jericho Rosales).
Kabilang din sa top ten ang MMK (31.5%), Goin Bulilit (27.2%), at Home Sweetie Home (26.8%).
Samantala, mas patok naman sa mga manonood ang It’s Showtime at nagtala ito ng average national TV rating of 18.1% . Pagdating naman sa online video-on-demand service na iWant TV, pinakapinanood ang Till I Met You, Pinoy Big Brother Lucky Season 7, FPJ’s Ang Probinsyano, Doble Kara, at The Greatest Love.
Mas tinututukan pa rin ang Primetime Bida ng ABS-CBN matapos itong pumalo sa national audience share na 49%.
TALBOG – Roldan Castro