VERY satisfactory o gradong 8 ang ibinigay ng mga militanteng grupo sa Southern Mindanao sa unang 100 araw ng administrasyong Duterte.
Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan-Southern Mindanao Region (Bayan-SMR), pa-sado si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mi-litanteng grupo sa Davao City kung pag-uusapan ang mga nasimulang gawin, ginagawa at gagawin pa.
Ngayong ika-100 araw ng Pangulo sa Palasyo, binigyan ni Sheena Duazo ng Bayan-SMR ng gradong 8 ang Pangulo kung ang batayan ay sampu ang pinakamataas.
“Nakita natin na may sincerity talaga, ang administrasyong ito sa kanyang ipinangako,” ani Duazo, Bayan-SMR secretary general sa press conference sa Freedom Park sa Roxas St., Davao City.
Una sa listahan nila sa magandang ginawa ng Pangulo ang paggiit sa soberanya ng Filipinas at paninindigan sa foreign policy na ‘di nakasandal sa US.
Kasama rin sa lista-han nila ng accomplishment ng Pangulo ang exe-cutive order para sa Freedom of Information at paglantad sa talamak ng narco politics sa Filipinas.
Habang si Reverend Jurie Jaime, tagapagsa-lita ng Exodus for Justice and Peace, gradong nasa pito hanggang walo ang ibinigay sa pangulo.
Bagama’t may ilan na aniyang lumad na bakwet ang nakabalik sa kani-kanilang lugar, may mga nananatili pa rin sa UCCP-Haran dahil nariyan pa aniya ang banta ng intimidasyon ng militar sa kanilang lugar.
“Dapat tuloy-tuloy ang malinaw na objective ng government, ng administrasyong duterte,” sabi ni Jaime, spokesman ng grupo.
( ROSE NOVENARIO )