MARAMI ang nalulungkot sa showbiz sa pagkakahuli ni Mark Anthony Fernandez ng umano’y isang kilong marijuana.
Isa na naman ito sa pinagdaraanan ng kanyang inang si Alma Moreno.
Ayon sa aming source, na-highblood at na-migraine si Alma noong Martes kaya hindi pa makausap. Sumuporta naman sa kanya sina Senator Jinggoy Estrada at Lorna Tolentino.
Balitang bibigyan daw ng lawyer ni Senator Jinggoy si Mark dahil inaanak niya ito sa kasal at ipinagbilin sa kanya si Mark ng yumaong Rudy Fernandez.
Very touching naman ang message ng young actor at anak ni Mark na si Grae Fernandez. “No matter what people say about you, I will always be proud to be your son because you’re the best dad.”
Sinusuportahan naman ng netizens si Grae at sinasabing maging matatag sa pinagdaraanan ng kanilang pamilya.
TALBOG – Roldan Castro