Saturday , November 16 2024

US bitter sa talo ni Roxas (Hindi maka-move on)

“YOU can go to hell State Department, you can go to hell Obama, you can go to hell EU, you can choose purgatory, puno na ang impyerno, bakit ako matatakot sa inyo?”

Ito ang buwelta kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtitipon ng mga lokal na opisyal sa Dusit Hotel, Makati City kaugnay sa patuloy na pagbanat ng Amerika sa kanyang administrasyon.

Ipinahiwatig ng Pangulo sa kanyang talumpati na hindi maka-move on ang Amerika sa pagkatalo ng manok na si Mar Roxas ng Liberal Party noong nakalipas na halalan at ginagamit ang isyu ng extrajudicial killings laban sa kanya bilang destabilisasyon sa kanyang administrasyon.

Wala aniyang makapipigil sa kanyang drug war dahil ito ang nakikita niyang paraan para masugpo ang prehuwisyong dulot ng illegal drugs.

Si Sen. Leila de Lima na kapartido ni Roxas ang tinukoy ng Pangulo na nagpasimuno ng narco-politics sa pambansang antas sa Filipinas.

Minaliit ng Pangulo ang US na aniya ay wala namang naitutulong sa bansa at kahit sa joint military exercises ng tropang Amerikano at Filipino ay wala tayong napapala dahil ang mga armas-militar ay sa US naman at hindi ginagamit dito ng AFP.

Hindi aniya siya apektado sa pamimintas sa kanya hinggil sa kanyang pagmumuara dahil ganoon talaga ang kanyang ugali.

“Ito lang masasabi ko never mind my mouth I never aspired to be a statesman, my countrymen wala ‘yun. Putang ina ninyo maski doon sa congress oath taking kayo wala kayo nagsuporta ni isa sa akin, kanya-kanyang panahon, maybe I have yet to show the best of my being, hanggang ngayon wala pa, ewan ko baka ‘di magdating sorry naman, at least dumaan ako, sa totoo lang nagkamali lang ang Panginoong Diyos, ang ugali ko pang-mayor, pang-mayor lang ako, ‘yung pumalakpak kasi ‘di sila maging presidente talaga,” anang Pangulo.

“Ganoon talaga I don’t want to demean myself, ugali ko talaga pang mayor lang, I’m not ready for the big league, sila kasi ‘tong bata ninyo si Roxas Wharton ano Wharton pagtingin ko Watson pala,” dagdag niya.

Nauna nang ibinulgar ng Pangulo na si Roxas ay hindi totoong nagtapos sa Wharton College gaya nang nakasaad sa kanyang resume.

Matatandaan na isiniwalat ng Pangulo kamakailan na nagsasabwatan ang Amerika at mga ‘dilawan’ para siya’y pabagsakin bunsod ng kanyang pagbatikos sa US.

Si Vice President Leni Robredo na kapartido nina Roxas at De Lima ang papalit kay Duterte kapag napatalsik sa puwesto.

 ( ROSE NOVENARIO )

ISIS NASA PH NA — DUTERTE

KINOMPIRMA ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, narito na sa Filipinas ang ISIS na pangunahing banta ng seguridad ngayon sa mundo.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang pakikipag-usap sa mga miyembro ng Philippine Army (PA) sa Fort Bonifacio, Taguig City kahapon.

Sinabi ni Pangulong Duterte, patunay rito ang kanyang namamataang mga Arab sa Mindanao na nagpapanggap na scholars ngunit itinuturo ang tinatawag na ‘historical hurt’ o pinagdaanang pahirap ng mga Muslim.

Ayon kay Duterte, ito ang dahilan kaya patuloy ang kanyang direktiba sa mga sundalo na baguhin na ang pag-iisip sa mga bagong kalaban na wala na sa kabundukan.

Kasabay nito, tiniyak ng pangulo na kanyang ibibigay ang lahat ng kailangan ng mga sundalo para matalo ang kalaban at mapanatili ang seguridad at pambansang integridad ng bansa.

“Nandito na sa atin (ISIS). There are a lot of… nakakita ako Arabs, diyan naglalakad sa… Davao City. And they are called scholars, they preach not religous things but ‘yung ano, historical hurt ng Muslim world. E gusto man nating mag-sympathy, tapos na ‘yun e,” ani Pangulong Duterte.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *