MAS kapaki-pakinabang sa bansa ang unang 100 araw ng administrastong Duterte kaysa anim taon ng gobyernong Aquino.
Sa ginanap na press briefing kahapon sa Palasyo, inihayag ng mga negosyante na puno sila ng pag-asa sa mga isinusulong na pagbabago ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) chairman emeritus Donald Dee, kung noong nakaraang adminisrasyon ay puro salita at kaunti ang gawa, ngayon ay kabaligtaran na.
“I have seen presidents come and go but the 100 days that we are experiencing today, you know, has bore more fruits, more concrete fruits,” ani Dee.
Ayon kay Philippine Chamber of Commerce and industries president George Barcelon, hindi maikakaila ang mga kontrobersiyal na pahayag ng Pangulo, buo ang kanilang tiwala sa mga programa para mapabuti ang pagnenegosyo sa Filipinas.
“We are beginning to see more improvements, along this line. We are very positive about what we are seeing,” ani Barcelon.
Ikinatuwa ng business leaders ang isyu ng Central Terminal ng MRT sa North Avenue na sa isang kumpas lang ng Pangulo ay nalagdaan na ang kasunduan.
( ROSE NOVENARIO )