Sunday , November 17 2024

Pipi at bingi may karapatan na magtrabaho

Dragon LadyMAY papel na gagampanan ang mga pipi at bingi sa MMDA.

Ang mapipili ay magmo-monitor sa mga nakakabit na CCTV sa mga pangunahing lansangan sa buong kalakhang Maynila para sa trapiko at mga aksidenteng magaganap.

***

Ang mga bulag at pipi ay may mataas at matalas a “sense of sight” kaya naniniwala ang MMDA na malaki ang magagawa ng may mga nabanggit na kapansanan. Sila ay sasanayin sa isang training program ng MMDA at pagkatapos ng pagsasanay ay itatalaga sa Metro Base ng MMDA. Isinagawa ang Memorandm of Understanding (MOU) sa pagitan ng MMDA at De la Salle-College of St. Benilde para sa hiring ng nasabing PWDs.

***

Ewan natin kung aprub ang sistemang ito, dahil ‘yung may mga normal na pangangatawan ay sankatutak ang walang trabaho, sila pa kaya na may mga kapansanan? Magandang ideya sana dahil bibigyan ng pagkakataon ang mga bulag at pipi na magkaroon ng papel sa lipunan, sana ay maging matagumpay ito, sana nga!

KENHUA CO SUPPLIER NG SCHOOL BAGS

& SCHOOL SUPPLIES NA MADALING MASIRA

Isang Intsik na may alyas na Terence, ang supplier ng school bags at ilang manipulative books sa mga local government. Mahal ang presyo ng isinusuplay niyang school bags at school supplies, pero madaling mawasak! Sabi nga ng mga magulang na nakatanggap ng skul bag para sa kanilang mga anak, mumurahin umano ang mga telang ginamit! Bakit kaya pinapayagan ng local governments na makapagnegosyo sa pamahalaan ang ganyang supplier, gayong walang kuwenta ang mga produkto.

***

Walang pabrika sa Bulacan na kanya umanong pinagpapatahian ng school bags. Isang dating Coronel ang nagmamay-ari ng pabrika, ewan kung saan talaga ang opisina ng nasabing tsekwa dahil walang tumagal na empleyado sa kanya! Mangagagamit ang tsekwang ‘yan para makakuha ng project sa local government, pero pag napadikit na sa mga taong naipakilala, ay iiwan na sa ere ang taong naging dahilan kaya siya nagkanegosyo. Payo ko sa mga mayor sa local government, mag-ingat sa taong ‘yan, isang tsekwa na walang utang na loob! Ang ginagamit niyang kompanya ay Kenhua!

***

Balitang nagkakontrata na rin sa Department of Education, mga printer naman ang ini-offer. Ang tanong, gaano naman kaya katibay at hanggang kailan tatagal ang printer? Sayang ang pera ng GOBYERNO!  Kaya panawagan sa local government beware of this company.

Sigurado puro reklamo ang matatanggap ninyo!

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *