Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagsasalpukan nina Angel at Anne, inaabangan

INAABANGAN ngayon kung aling pelikula ang mas kikita dahil parehong tungkol sa LGBT (Lesbians, Gays, Bisexuals and Transgenders) ang tema. Magkasunod na ipalalabas ang The Third Party nina Angel Locsin, Sam Milby, at Zanjoe Marudo sa gay movie nina Anne Curtis, Dennis Trillo, at Paolo Ballesteros na Bakit Lahat Ng Guwapo, May Boyfriend? Sino raw ang mas hot, si Angel o si Anne?

Pinagtatalunan ngayon ng netizens kung aling pelikula ang mas maganda at nakaaaliw. Pero base sa trailer, aliw at panalo ang The Third Party. Misteryoso naman ang Bakit Lahat Ng Guwapo, May Boyfriend dahil si Anne lang ang nagsasalita. Parang pang-WattPad ang dating.

Nauuso ang ganitong tema ng movie at sana naman ay parehong kumita.

Nauna na ang Regal Films na magpalabas ngayong taong ito ng gay movie na That Thing Called Tanga Na.

Ayaw din pakabog ang mga lesbian movie. Dahil may ganitong tema sina Louise Delos Reyes at Jasmine Curtis-Smith para sa Cinema One Originals titled Baka Bukas Pwede. Open nga si Louise sa kissing scene kung kinakailangan.

Pero wala pa kaming natatandaang lesbian movie na kumita at kinagat ng moviegoers. Mas effect pa ang mga gay movies.

Kahit ang T-Bird At Ako nina Nora Aunor at Vilma Santos hindi ganoon ka-hit sa takilya. ‘Yung ibang lesbian movie  o may lesbian scene gaya nina Maui Taylor at Rica Peralejo, Maricar De Mesa at Ynez Veneracion, Andrea Del Rosario at Mylene Dizon ay mga so-so lang sa takilya at forgettable na. Hindi na nga namin maalala ang title ng mga movies nila na may tema ng katomboyan.

Pak! Ganern!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …