Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joseph sa mga artistang gumagamit ng droga — Discipline yourselves

TINANONG namin ang actor ng My Rebound Girl na si Joseph Marco kung ano ang opinyon niya sa kampanya ng drugs laban sa mga taga-showbiz na user o tulak. At ngayon ay mayroon nang listahan.

“I feel bad for them and for sure I’m gonna… I mean, yeah, I feel bad for them and sana makaalis sila roon sa phase na ‘yun. Kasi lahat naman ng, I mean most of the people especially in the industry, dumadaan sila sa phase na ‘yun. So nagkataon lang siguro na natapat sila sa  parang, ‘di ba, sa hard times ngayon na parang medyo strict when it comes to drugs. So, sana, sana maging lesson learning sa kanila ‘yung mga naririnig nila sa balita, ‘yung mga nakukulong, ‘di ba?

“Parang, c’mon, you know! Take care of yourselves, ‘di ba? Parang somehow, discipline yourselves. Alam mo naman ‘yung magiging negative feedback ng ginagawa mo, so ‘di ba? Ayusin mo na ‘yung sarili mo. Huwag ka ng maghintay na mahuli ka,” deklara niya.

Dumaan na rin daw sa drug test si Joseph. Voluntary daw niyang ginawa ‘yun.

“Noong nalaman ko na mayroon, yeah, let’s do it,” sambit pa niya.

Paano niya papayuhan ang isang kaibigan ‘pag nalaman niyang lulong na sa ipinagbabawal na gamot?

“Kakausapin ko talaga siya! Sasabihin ko sa kanya, kahit mga masasamang bagay na parang, ‘yung mangyari sa ‘yo, didiretsuhin kita kahit masaktan ka.

“’I’m you’re real friend and ‘di ba, parang sasabihin ko talaga sa ‘yo kung ano talaga ‘yung mangyayari sa ‘yo, ‘di ba? Harap-harapan, I’m not gonna filter anything, I’m not gonna sugar-coat anything. Sasabihin ko talaga sa ‘yo kung ano ‘yung kahihinatnan ng ginagawa mo,’” pakli pa niya.

Paano kung magalit o magtampo sa kanya?

“Kung ganoon ang reaksiyon niya that means, ‘di ba parang maybe he’s not a real friend or he’s immature. Kasi at the end of the day, ‘di ba ang totoong kaibigan sasabihin niya sa ‘yo kahit na ‘yung mga bagay na makasasakit sa ‘yo. As long as it’s totoo. So ayun sasabihin ko talaga sa kanya,” tugon pa ni Joseph.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …