Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind mystery man

Young Actor, nabulgar ang pagiging receptionist sa isang gay bar

LUMANTAD ang larawan ng isang guwapong young actor kasama ang manager ng isang gay bar sa social media. Nabulgar na rati palang receptionist doon ang bagets bago siya sumali sa isang reality contest.

Aminin kaya ng young actor na graduate siya ng gay bar ‘pag may nagtanong bago magkaroon ng career sa showbiz? Nagsimula raw ito sa hip-hop dance group na gabi-gabing sumasayaw doon at naging GRO.

Mabenta ang actor sa entertainment bar na ‘yun dahil may lahi, pang- matinee idol ang dating.

Dahil produkto siya ng gay bar, inimbitahan siya sa awards night ng White Bird Entertainment Bar, Roxas Boulevard, Baclaran, Paranaque sa September 30, 9:30 p.m.. Makarating kaya siya? Bibigyan nila ng awards ang mga outstanding na modelo at staff para magsilbing inspirasyon sa kanilang trabaho. Host ang isang komedyante at dating host ng noontime show. Bisita rin ang isang nagbibidang guwapong indie actor at titlero sa isang pageant . Mabubusog ang inyong mga mata dahil sa hitsura at kaseksihan ng nasabing guest  actor ay  ulam na!Back to back sa  daring at mapangahas na comeback show ni Direk Jordan Bautista.

For reservation and inquiries, maaaring tumawag sa 851-2088 o 851-2089, 09291282504, 09215571113. Puwede ring mag-apply ang mga guwapo, matipuno, at artistahing kalalakihan sa nasabing bar.

Talbog!

( Roldan Castro )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …