MALAKI ang pasasalamat ni Coco Martin na pumayag si Susan Roces na gawin sa telebisyon ang FPJ’s Ang Probinsyano. Wala sanang isi-celebrate ngayon na first anniversary. Dahil din kay Coco, naibalik ang sigla ng aksiyon sa telebisyon.
Nagpasalamat din si Susan dahil ibinalik ng ABS-CBN 2 at Dreamscape ang alaala ng Hari ng Pelikulang Filipino na si Fernando Poe Jr..
“Tinatanaw kong malaking utang na loob ang inspirasyon na hinugot ni Coco sa mga pelikula ni FPJ,” sambit ni Susan.
Sinabi naman ni Coco na mula ngayon hanggang December ay magkakabistuhan na at mabubulgar na ang mga sikreto sa serye.
Malalaman na raw ‘yung matagal na hinhintay ng mga televiewer.
TALBOG – Roldan Castro