HUMINGI ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa Jewish community kaugnay ng kanyang kontrobersiyal na pahayag hinggil sa Nazi leader na si Adolf Hitler.
Sinabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng ika-37 taon na pagdiriwang ng Masskara Festival sa Bacolod, ang mga tao mismo ang nagsabi noon na mamamatay-tao siya at inihalintulad pa siya kay Hitler kaya’t sinabi niya na isa siyang killer.
Pagkatapos ng kanyang pahayag ay nag-react agad ang Jewish communities sa buong mundo.
Ngunit iginiit ng Pangulo, wala siyang intensiyon na maliitin ang alaala nang mahigit anim milyong Jews na pinatay ng Germans.
“I would like to make it now, here and now, that there was never an intention on my part to derogate the memory of the six million Jews murdered by the Germans,” paliwanag ni Duterte.
Nabatid na nakisali na rin ang United Nations (UN) sa chorus reaction ng international community sa kontrobersiyal na pahayag ni Pangulong Duterte.
Sinabi ni UN Special Adviser on the Prevention of Genocide Adama Dieng, nakaaalarma ang mga pahayag ni Duterte.
ni ROSE NOVENARIO