SA guesting nina Daniel Padilla at Kathryn Berardo sa PEPtalk, inamin nilang pareho silang seloso.
Ayon kay Daniel, talaga raw nagseselos siya pagdating sa sinasabing girlfriend niya na si Kathryn. At ‘pag nagselos daw siya ay galit talaga siya. Hindi lang daw siya basta nagseselos. Hindi raw siya ‘yung tipo na palambing lang kung magselos.
“Galit agad,” sabi ni Daniel.
Sa tanong na kung sino ang pinagselosan niya, sagot niya, ”Wala naman umaano kay Kathryn. Wala ring susubok.”
At si Kathryn naman, gaya ni Daniel ay galit din kapag nagseselos siya. Kapag may ibang babaeng sumusubok na mapalapit kay Daniel ay talaga raw nagseselos/nagagalit siya.
“Sa kanya maraming sumusubok. Kaya ako,parati. Hindi, joke lang!” sabi ni Kathryn.
“Maraming pasaway. Ang sarap pitikin!,” natatawang sabi pa ng young actress.
MA at PA – Rommle Placente