Monday , December 23 2024

‘Hitler’ remarks ipinaliwanag ng Palasyo (Yasay Itinanggi)

KINIKILALA ng Filipinas ang mahalagang ambag ng karanasan ng mga Hudyo, lalo na ang masaklap at mapait nilang kasaysayan.

Sa kalatas ng Palasyo kahapon, binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, hindi minaliit ni Pangulong Duterte ang pagbubuwis ng buhay ng anim na milyong Hudyo noong Holocaust ng World War II.

Giit ni Abella, ang pagtukoy ni Pangulong Duterte sa pagkatay sa anim na milyong Hudyo kamakalawa ay para pabulaanan ang pagpintas sa kanyang imahe bilang mass murderer, isang Hitler, na hindi katanggap-tanggap sa Punong Ehekutibo.

“The Philippines recognizes the deep significance of the Jewish experience, especially their tragic and painful history. We do not wish to diminish the profound loss of six million Jews in the Holocaust, that deep midnight of their story as a people. The President’s reference to the slaughter was an oblique deflection of the way he has been pictured as a mass murderer, a Hitler, which is a label that he rejects,” ani Abella.

Inilarawan aniya ng Pangulo na malaki ang pagkakaiba nang malawakang pagpaslang sa mga Hudyo para maubos ang susunod nilang henerasyon sa umano’y EJKs sa Filipinas na ibinibintang na ang Punong Ehekutibo ang promotor dahil ang kampanya kontra kriminal ng administrasyon ay magsasalba sa susunod na henerasyon ng mga Filipino.

“He likewise draws an oblique conclusion that while the Holocaust was an attempt to exterminate the future generation of Jews, the so-called extrajudicial killings, wrongly attributed to him, will, nevertheless, result in the salvation of the next generation of Filipinos,” ani Abella.

Kamakalawa, sinabi ng Pangulo, hindi siya mag-aatubili na patayin ang may tatlong milyong Filipino na lulong sa droga sa bansa na mga salot sa lipunan.

“Hitler massacred three million Jews. Now there is three million, there’s a three million drug addicts. There are. I’d be happy to slaughter them,” pahayag ng Pangulo.

Paliwanag ng Pangulo, ito ang nakikita niyang solusyon para matuldukan na ang problema sa ilegal na droga at maisalba ang mga susunod na henerasyon.

“At least if Germany had Hitler, the Philippines would have you know, my victims, I would like to be all criminals to finish the problem of my country and save the next generation from perdition,” dagdag ng Pangulo.

Una rito, sinabi ng Pangulo na aabot sa 3.7 milyong Filipino ang lulong sa illegal drugs.

( ROSE NOVENARIO )

YASAY ITINANGGI

INILINAW ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto “Jun’’ Yasay, Jr., hindi totoo at malisyoso ang lumabas na balita na inihambing ni Presidente Rodrigo Duterte ang kanyang sairili kay Adolf Hitler.

Ayon kay Yasay, nandoon siya mismo nang sabihin ni Duterte na hindi niya pupuksain ang illegal drugs at tatlong milyong addicts sa bansa katulad sa paraan na ginamit noon ng German politician at Nazi leader na si Hitler laban sa Jews.

Idinagdag ng kalihim, “iresponsible, completely untrue and malicious” ang ipinalabas ng media at hindi ito maganda dahil may negatibong implikasyon ito sa international community.

Umaasa si Sec. Yasay na matitigil na ang balita dahil hindi ito totoo.

“He never compared himself or justified his actions in referring to the evil campaign of Hitler in Germany. What he said is, he was not going to undertake his campaign or war against drug similar to… he was not going to… he did not say that he is like Hitler himself doing the war against drug,” paliwanag pa ni Yasay. “I am now denying for and on behalf of the President.”

Ngunit batay sa naging pahayag ng Pangulong Duterte sa kanyang arrival statement sa Davao airport mula sa Vietnam ay narito ang eksaktong qoute:

“Hitler massacred three million Jews, now, there is three million drug addicts. I’d be happy to slaughter them,” ani Presidente Duterte na sinundan ng rambling speech. “At least if Germany had Hitler, the Philippines would have…” Dito na sa puntong ito na tila itinuturo niya ang kanyang sarili batay sa lumabas na video mula sa RTVM Malacanang.

Ang nasabing statement ng presidente ay una nang umani ng batikos partikular sa German at Jewish community.

Anila, lumalabas na ipinagkukumpara ni Duterte ang kanyang kampanya laban sa ilegal na droga sa ginawang “genocide” ng Nazi Germany sa pamumuno ni Hitler.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *