Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Goodwill money kay hepe di binigay

Dragon LadyKAPAL din ng mukha nitong isang hepe ng pulisya sa isang siyudad sa kalakhang Maynila.

Mantakin ninyong, humihingi ng halagang P1,000 sa bawat driver-operator ng mga pampasaherong van at jeep. Bukod pa sa isang libong piso kada buwan!

Kung kukuwentahin ang P1,000 sa tatlong libong van at pampasaherong jeep, tumataginting na napakalaking halaga ang magiging pera ni hepe!

***

Hindi nagbigay ang mga hinihingian, agad na nagsumbong sa Meyor ng siyudad ang mga driver-operator ng van at pampasaherong jeep. Nailing si Meyor sa estilo ng kanyang ‘pacman’ na chief of police. Ewan ba kay Colonel… “Ba’t ka ganyan?”

Wala pang tatlong buwan sa kanyang area, puro kasuwapangan na! Hindi lang ikaw ang anak ng diyos! Kakainin na lamang ng mga kawawang drayber, ibibigay pa sa iyo?!

***

Ang chief of police na sinasabi natin ‘bata’ umano ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa. ‘Yan ang sabi niya! Kaya kahit dating pulis-probinsiya na napunta sa siyudad, takaw na takaw.

Konting finesse naman Colonel! Nakahihiya ka! Bukod-tanging ikaw lang ang hepe ng siyudad na ‘yan na nakagawa nang ganyan! Konting respeto sa MEYOR mo!

***

Sa totoo lang, si hepe ay walang ka-PR-PR sa mga mediamen na kumokober sa sakop na lugar, kaya walang makikitang mediamen na dumadalaw sa kanyang opisina. Kung may makausap man siya, mga tauhan niyang bitbit nang siya ay maupo bilang hepe ng pulisya noong nakalipas na buwan ng Hulyo!

***

Sumbong ng jeepney at van operator sa inyong lingkod, hindi sila nagbigay ng goodwill money sa nabanggit na hepe ng pulisya. Para sa kanila, dapat umanong isumbong kay Pangulong Rodrigo Duterte, ang nasabing hepe dahil maituturing na unipormadong corrupt!

***

Sa pamamagitan ng isang liham, nakatakda umanong sulatan ng mga nagrereklamo si Pangulong Duterte, para malaman ng Pangulo ang ginagawang kabalastugan ni hepe!

Alam kaya ni PNP chief, DG Dela Rosa na ipinagmamalaki ni hepe na siya ay bata ni Bato?!

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …