Monday , December 23 2024

Elitista hinimok lumahok sa drug war

HINIKAYAT ng Palasyo ang mga “elitista” na ibahagi ang mga biyaya ng de-kalidad nilang edukasyon sa pagtulong sa gobyerno na isalba ang mga maralitang pamayanan sa prehuwisyo ng ilegal na droga.

Ito ang pahayag ni Communications Secretary Martin Andanar sa idineklarang Black Sunday ng Ateneo de Manila University (AdMU) at De La Salle University (DLSU) o ang panawagan na magsuot ang lahat ng itim sa UAAP men’s basketball game ngayon bilang protesta sa paghihimlay kay dating Pangulong Fedinand Marcos sa Libingan ng mga Bayan at pagkondena sa nagaganap na extrajudicial killings sa bansa.

Ani Andanar, malaya ang lahat na ihayag ang mga saloobin sa napapanahong mga isyu sa mapayapang paraan ngunit kailangan din ng gobyerno ang kooperasyon ng mga taga-Ateneo at La Salle para puksain ang salot na ilegal na droga at iba pang illegal substance na nagbubunsod sa mga taong nakagamit nito para labagin ang karapatang pantao at kumitil ng buhay ng mga tao na kasama sa itinurong values sa paaralan.

“Feel free, therefore, to express your concern on the burning issues of the day in the same way that we encourage both Ateneo and La Salle communities to step up and bring the blessings of their quality education by helping the government transform the many communities of the poor in our society. The menace of illegal drugs has also swept away human rights and human lives which are some values we are taught in school,” aniya.

Hinimok ni Andanar ang lahat na lumahok sa anti-drugs campaign ng pamahalaan na nasa ikalawang yugto na, kasama rito ang pagpapagamot at rehabilitasyon sa mga drug addict.

“We encourage everyone to join the anti-drugs campaign of the government as we now enter the second phase which includes treatment and rehabilitation and education and counseling of drug dependents,” dagdag niya.

Sabi nga, aniya, ni Father Joel Tabora, pangulo ng Ateneo de Davao University, kailangan labanan ang illegal drugs sa pamamagitan nang paglikha ng isang kondisyon na hindi na kailangan ito.

Ang ika-anim na utos ng Diyos na “Thou shalt not kill” ay dapat din ipatupad sa milyon-milyong nilalang na nabibiktima ng illegal drugs.

“It is a battle that has to be fought,” as Father Joel E. Tabora SJ, President of Ateneo de Davao University said, “We must be able to fight drugs by bringing about a condition where drugs are no longer necessary. ‘Thou shalt not kill’ also has to be applied to the millions that are being victimized by this illegal drug trade,” ani Andanar.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *