Saturday , November 16 2024

P216-B kita ng drug lords kada taon

100116

AABOT sa P216 bilyon kada taon ang nasasayang na pera sa bansa dahil napupupunta sa bulsa ng drug lord imbes gastahin ng pamilyang Filipino para sa mga batayang pangangailangan.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa press conference sa Davao City Airport nang dumating mula sa state visit sa Vietnam kahapon ng madaling araw.

Aniya isang bilyonaryong negosyante na nakausap niya sa Vietnam ang nagpaliwanag sa kanya ng economic impact ng illegal drugs sa bansa.

Batay sa kuwenta ng negosyante, aabot sa P216 bilyon kada taon ang napupunta sa illegal drugs kung tatlong milyong Filipino ang lulong sa bisyo at bawat araw ay gumagastos ng P200 para sa shabu.

Ang nasabing halaga aniya ay naging produktibo sana kung ginasta para sa pagkain, edukasyon at kalusugan.

“A billionaire made a computation. Sabi niya, you know Mayor. I’ll give you the economic impact of drugs in the country, your country. And he said, this is the way how it goes. There are at least he said you claimed to be 3 million drug users and addicts. One hit daily costs around 200 or about 6,000 a month. If these users and addicts use drugs on a daily basis, that’s about 18 billion a month or around 216 billion a year.  Otherwise, these monies could go to food, education, health,” ayon sa Pangulo.

Kuwento ng Punong Ehekutibo, napuyat siya sa kaiisip sa tinuran ng bilyonaryo na kung tutuusin ay naging capital ng mga drug lord para sirain ang “social fabric” ng lipunang Filipino.

“And that was the cold reality and I wasn’t able to sleep soundly that night. Even I’m awake, I was so stressed. Why? The figures, because the mining industry gives us about 70 billion only and here is a cost of 16 billion destroying lives, it’s an investment to destroy lives. It’s an investment by the drug lords that will break the social fabric of our society,” dagdag niya.

Ito aniya ang dahilan kaya nayayamot ang Pangulo sa mga kinatawan ng Commission on Human Rights (CHR), United Nations Special Rapporteur , European Union na mga ipoktrito na siya pa ang pinalalabas na masamang tao kapag binabantaan niya ang mga kriminal.

Giit niya, walang batas sa Filipinas na nagbabawal sa pagbabanta sa mga kriminal kaya wala siyang dapat panagutan sa international court sa akusasyon na sabit siya sa extrajudicial killings lalo na’t walang naisampang kaso laban sa kanya sa usaping ito.

“Kaya kung ikaw nandito bakit hindi ka magmumura. You are portrayed or pictured to be some… a cousin of Hitler and yet do not even bother to find out, to investigate this. But to comment—imagine that I will be facing and even the International Court for genocide.  Kung hindi ba naman kapalpakan ang mga—ikaw ‘to, Presidente ka tapos ganunin ka. It was of course all right when I was Mayor. Because then, that would be about just a miniscule of the affairs of the humanity in this planet. But when I am the President and the tirade get, you know, bitter and stupid, you put all the Filipinos especially outside, you put them to shame. Okay lang sa akin, sanay ako sa politika. E lahat ng kababuyan dumating na sa aking buhay. Pero itong mga ganito—Ako, look—kayong US, EU you can call me anything. But I was never into or I am never into hypocrisy like you,” dagdag niya.

Sabi niya, masyado silang nababahala sa pagkamatay ng mga kriminal sa bansa habang itinataboy ang mga migrante mula sa Gitnang Silangan na nais magpaampon sana sa kanila.

Mas gusto aniya niyang matawag na Hitler ng Filipinas kung ito naman ang makapagliligtas sa susunod na henerasyon para hindi bumagsak sa kamay ng drug syndicates.

“Close your doors, it’s winter time, there are migrants escaping from the Middle East, you allow them to rot and then you are worried about the death of about 1,000, 2,000, 3,000? Hitler massacred 3 million Jews. Now there are 3 million drug addicts, there are. I’d be happy to slaughter them. At least if Germany had Hitler, the Philippines would have what you know, my victims. I would like to be — all criminals — to finish the problem and save the next generation from perdition,” sabi ng Pangulo.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *