Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Inambus na judge kasama sa narco-list

PINANGALANAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang hukom na kasama sa kanyang narco list.

Sa kanyang talumpati sa 9th National Biennial Summit on Women and Community Policing sa Apo View Hotel sa Davao City, binanggit ng Pangulo ang pangalan ni Judge Hector Salise.

Si Judge Salise, presiding judge ng Bayugan City Regional Trial Court, ay sugatan sa pananambang noong Biyernes, Setyembre 23, sa Brgy. Lemon, Butuan City.

Ayon sa Pangulo, may dalawa pang kongresista sa kanyang listahan na dominado ng mga pulis at barangay chairman mula sa iba’t ibang barangay sa buong bansa.

Naunang sinabi ng Pangulo na may 40 hukom ang nasa narco list niya na naglalaman nang higit isang libong pangalan.

( ROSE NOVENARIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …