TINANONG namin si Alex Gonzaga kung sasamahan niya si Direk Paul Soriano sa pagvi-video ng panganganak ni Toni.
“Hindi. Bawal daw. Si Paul lang daw,” mabilis niyang tugon.
Natawa rin kami sa sinabi ni Alex na okey lang daw kasi buong pagtanda nila ni Toni ay nagkakakitaan sila.
“By this time hayaan mo na si Direk,” sambit pa niya.
Ang mami-miss lang ni Alex ay ‘yung paglabas ng baby sa mundong ibabaw.
“Okey lang ‘yun. I-describe na lang nila,” bulalas pa ni Alex.
TALBOG – Roldan Castro