NANINIWALA ang Palasyo na si Sen. Leila de Lima ang makikinabang kapag napatay si convicted kidnapper Jaybee Sebastian.
Ito ang pahayag kahapon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa press conference sa NAIA Terminal 2 kahapon makaraan ang departure ceremony sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Vietnam.
Ani Aguirre, kasinu-ngalingan ang bintang ng senadora na ang gobyerno ang nasa likod ng riot sa NBP kahapon ng umaga dahil mas gusto ng administrasyong Duterte na buhay si Sebastian at papabor kay De Lima ang sitwasyon kapag namatay ang convicted kidnaper na itinurong promotor nang pangangalap ng drug money sa NBP para sa kandidatura ng senadora noong nakaraang eleksiyon.
“Kasinungalingan. We want Jaybee alive than dead. Sino bang gustong patayin si Jaybee? Kapag namatay si Jaybee sinong magbe-benefit? ‘Di ba si De Lima? Kasi mawawa-lan nang magko-connect, magte-testify lahat ‘yon?” ayon kay Aguirre.
Hamon ni Aguirre kay De Lima, magpresenta ng mga testigo para pabulaanan ang mga pahayag ng mga testigo sa Kongreso na sabit ang senadora sa illegal drugs trade sa NBP imbes pagbintangan ang administrasyon na pinahirapan ang mga saksi para siya’y ikanta. “Ikinakabit niya ako sa mga akusasyon na hina-harass ko siya. Maki-kita ninyo sa mga inmate na ang isang testigo na ini-harass, tinortyur, ma-kikita naman. No’ng makita mo naman very straightforward, kalmado. Nakapagbibiro pa nga. ‘Yan ang isang mark na totoo ang witness. Magpresenta ka nang ganyan Sen. De Lima, hindi ‘yang daldal nang daldal ka. Magpresenta ka ng witness para mapa-tunayan nga talaga na tino-torture sila. Wala ka man lang apat na oras after riot sa Bilibid meron ka na kaagad theory. Mag-imbestiga ka mu-na,” ani Aguirre.
Inuunahan aniya ni De Lima ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa ulat na napunta sa senadora na noo’y justice secretary pa ang P300-M na nakompiska sa raid sa NBP noong 2014.
“Kay Secretary De Lima, doon daw ibinigay ng mga NBI. So, ‘yan ang sagutin mo Secretary De Lima, do not be masyado kang yakyak na wala ka namang sinasabi. Alam mo kapag ganoon na ang tao nawawala na ang katuwiran. Mag-defend ka ng sarili mo na puro accusation na walang pruweba,” giit ni Aguirre.
“Ginagawa ko lang bilang Secretary of Justice ang pag-imbestiga sa ‘yo. Sobra-sobra ang ebidensiya na nakinabang ka sa droga sa Bilibid. ‘Yan ang sagutin mo. Do not be hysterical. Hindi ka puwedneg maging hysterical kasi mawawala ka sa depensa mo. Uhm, hindi ‘yung puro ka akusas-yon, si President Duterte ang napapasama,” dag-dag ng Kalihim.
Kombinsido si Aguirre na mabubulok sa kulungan si De Lima dahil malakas ang mga ebidensiya laban sa senadora.
“Patutungo sa kanyang conviction kasi malakas ang ebidensiya laban sa kanya,” sagot ni Agui-rre nang tanungin kung saan patungo ang imbes-tigasyon laban sa senadora. Samantala, ihaharap na ng Presidential Security Group (PSG) ang kagawad nitong si Phil. Air Force (PAF) Sgt. Jonel Sanchez na naunang ikinanta ni convicted robber Herbert Colangco na na-ging bagman ni De Lima sa drug money mula sa NBP.
Nakatanggap na ng imbitasyon ang PSG mula sa House Committee on Justice para iharap si Sanchez. Si Sanchez ay halos limang taon na na-ging security aide ni De Lima noong justice secretary siya ng administras-yong Aquino. Ani Lt. Col. Michael Aquino, taliwas sa bintang ni De Lima sa PSG na ginigipit si Sanchez para palagdain sa isang affidavit para idiin ang senadora.
“To date, he has not signed any affidavit to that effect. He has signified to have a counsel preferably of his own choice but up to now he has not presented one. Since we fully respect his right to counsel. We have given him enough leverage to produce one,” ani Aquino.
( ROSE NOVENARIO )