TINATAKASAN na ng katinuan si Sen. Leila de Lima, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam kay Pangulong Rodrigo Duterte kahapon sa NAIA Terminal 2 bago magpunta sa state visit sa Vietnam, pinayuhan niya si De Lima na magpahinga muna nang ilang araw dahil napansin niya na nawawala na sa sarili ang senadora.
“`You know, I’d like to… in all sincerity as a human being, I think honestly, I’m not trying to derogate her, she’s a lawyer, she’s bright, I think she’s breaking down. I would suggest that she takes days off then maybe…I am pray that I… if She continues yakking there and listening to…she will have a nervous breakdown,” ayon sa Pangulo.
Giit ng Pangulo, kung tutuusin ay siya ang inapi ni De Lima dahil sa ilang taon na naging chairperson ng Commission on Human Rights (CHR) ang senadora ay inakusahan siyang sabit sa extrajudicial killings ngunit hanggang ngayon ay walang naisampang kaso laban sa kanya.
Siniyasat na rin noon ang Pangulo ni UN Special Rapporteur Philip Alson at ngayo’y nais na naman siyang paimbestigahan ni De Lima hinggil sa EJKs.
“Look, she was the chairperson of the human rights for many years, she was the secretary of justice for many years, she has been a senator for a time now, in all of these events in her life, she talked about me harping on EJK. And yet to this date no cases were filed. I was investigated once by the rappour Philip Alston and she wants to have me investigated again by the United Nations through a new…ako ‘yung inapi-api niya tapos ako ‘yung…” sabi ng Pangulo.
Sabi ng Pangulo, baka irekomenda niya si De Lima na maging artista sa telebisyon.
“Anong gawain ko sa kanya? I-recommend ko siya sa… or ‘yung sa ABS-CBN na Kahapon Lamang,” anang Pangulo sa hysterical na paghamon ng senadora na ipaaresto siya ng Punong Ehekutibo kung may sapat na ebidensiya na nag-uugnay sa kanya sa illegal drugs.
Dagdag ng Pangulo, ang pinakaseryosong akusasyon na dapat sagutin ng senadora ay pagiging narco-politician niya.
“Actually, except for the… itong drugs linking her sa… I think the most serious charges against her is the portals of the nat’l gov’t has been opened by her election as senator becuase of the drug money. We are now a narco politics,” giit ng Pangulo.
Paliwanag niya, hindi biro ang problema ng bansa sa illegal drugs at kaya niya ipinagpaliban ang barangay elections ngayong Oktubre dahil siguradong babaha ng drug money para mailuklok ang mga opisyal na kontrolado ng drug syndicate.
“Kayong lahat ‘wag ninyong bolahin ang sarili ninyo. 92 percent of the total barangays in the PH are affected with drugs. There are 11 thousand mga pulis…and about 16, 000 barangay captains. That is why I am not in favor of calling an election now. Drug money will flow down to the basic unit—the barangay and it will strengthen the hold of narcopolitics now existing in our country. It behooves upon me to tell you what is the truth and prevent something catastrophic in the future. Four million of drug addict, I said, is no joke. My God,” giit ng Pangulo.
Nauna nang ibinulgar ni Pangulong Duterte sa kanyang pagbisita sa Camp Manuel T. Yan Sr., sa Compostela Valley noong nakaraang Setyembre 20 na natuklasan niya na kaya lumakas ang operasyon ng illegal drugs noong nakaraang administrasyon ay bunsod nang pagkampi sa kanila ng mismong Department of Justice (DOJ).
Tinawag ng Pangulo na “San Beda scandal” ang pag-aktong padrino sa illegal drugs ng ilang brother niya sa fraternity sa San Beda College na pinagtaposan ni De Lima.
“Ngayon alam ko na kung bakit malalakas ang loob nila. Binack-up (back-up) sila mismo ng Department of Justice. Kaya early on marami ang patay, lumaban talaga because they thought that they had this already license to do some… Kasi iyang mga backer nila galing na doon sa Department of Justice. Some of them, fraternity brothers ko pa. Pati iyang si Vit Aguirre is my brod also, pero mayroon kami diyang mga brod sa San Beda, sa frat ko, kasi si De Lima galing San Beda. So the scandal is the San Beda scandal. T***ina, susmaryosep,” dagdag ng Pangulo.
( ROSE NOVENARIO )
Kasunod ng Bilibid riot
GOV’T ‘ASSASSIN STATE’ — DE LIMA
TINAWAG ni Senator Leila De Lima kahapon ang gobyerno bilang “assassin state” na ginagamit aniya ang “mafia tactics” sa pananakot sa witnessess na tumatangging tumestigo laban sa kanya, kasabay nang pagdududa na ang insidente sa Bilibid na ikinamatay ng isang Chinese drug lord, ay “riot.”
“Absent any other available reliable information, I am not discounting the fact that this is another way of the government ‘persuading’ the Bilibid 19 to testify against me,” pahayag ni De Lima.
“I am not discounting the possibility that this so-called ‘riot’ is Malacañang’s way of sending its messages to prisoners who refuse to implicate me in the Bilbid drug trade as part of Aguirre’s and Malacañang’s teleserye drama projecting me as Bilibid drug queen,” dagdag ng senadora.
Hamon ni De Lima
ARESTOHIN MO AKO NGAYON NA!
HINAMON ni Senadora Leila de Lima nitong Miyerkoles si Pangulong Rodrigo Duterte na ipaaresto na siya, ngayon na agad, sa gitna ng mga akusasyong kasabwat siya sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison.
“Tama na. Hulihin ninyo na ako ngayon. ‘Yun naman talaga gusto ninyo. Ikulong ninyo na ako ngayon. I’m here. Do what you want to me, Mr. President. I will wait for you,” pahayag ni De Lima.
Giit ng Senadora, hindi siya aalis at tatapusin niya ang laban dito sa bansa. “I want to fight here in my country.”
Naging emosyonal si De Lima sa isang press briefing sa Senado, at idinagdag pa niyang hina-harass siya at ang kanyang staff mismo, ng pamahalaan.
“I feel so helpless,” dagdag niya.
“Hindi po ako duwag dahil wala akong kasalanan; ‘yung mga nagtatago lamang, mga duwag ang umaatras.”
MISSING P300-M SA BILIBID
RAID NAPUNTA
KAY DE LIMA — AGUIRRE
INIHAYAG ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II kahapon, napunta kay Senator Leila de Lima ang nawawalang P300 milyon nakompiska sa isinagawang raid sa New Bilibid Prison noong Disyembre 2014.
Nauna rito, sinabi ni Aguirre, itinanggi ng isang preso at intelligence officer, na tanging P1.6 milyon cash lamang, kundi mahigit P300 milyon ang nakompiska mula sa mga preso sa maximum security compound na sinalakay noong Disyembre 15, 2014.
Nang tanungin kung saan napunta ang nasabing halaga, sinabi ni Aguirre, ayon sa testigo: “Kay Secretary De Lima daw nga.”
“‘Yan ang sagutin mo Secretary De Lima. Masyado kang yakyak nang yakyak,” pahayag ni Aguirre.
“Kapag ganoon ang tao, nawawala na sa katuwiran. Hindi puwedeng magdepensa sa sarili nang walang pruweba,” aniya pa.
Si De Lima pa ang kalihim ng DoJ nang isagawa ang nasabing pagsalakay sa NBP.
SEX VIDEO NI DE LIMA SA KAMARA KINONTRA NI LACSON
KINONTRA ni Sen. Panfilo Lacson ang plano ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na ipalabas at gamiting ebidensiya ang sinasabing sex video ni Sen. Leila de Lima.
Ayon kay Lacson, hindi nararapat na gawin ito ng isang sangay ng gobyerno para lamang magpatunay sa hiwalay na isyu, tulad ng drug trade at katiwalian.
Nanawagan din ang mambabatas na gawin sana ng lahat ang kanilang trabaho na hindi humahantong sa ganitong estilo.
Mataas aniya ang tingin niya sa mga kababaihan, ano man ang estado nila sa lipunan.