Sunday , November 17 2024

Filipinas game sa imbestigasyon ng United Nations

Dragon LadyGALIT na galit na si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtuligsa ng UN,EU,US at foreign media ,kaya hamon ng Pangulo, mag-imbestiga sila rito sa Filipinas. Dahil si Pangulong Duterte na ang nag-iimbita, na magpadala ng kanilang pinakamaga-ling na mga imbestigador, bukas na umano ang pinto sa panghihimasok, ayon sa Pangulo.

***

Ayon sa UN magpapadala sila ng18 katao sa Setyembre 28 hanggang 29, upang tingnan ang kondisyon sa karapatang pantao sa bansa. Na-ngangahulugan na iimbestigahan ang pagkamatay ng 3,000 katao sa bansa, nasapol ng maupo ang administrasyong Duterte.

***

Payag kaya ang UN sa terms of reference na inilatag ng Filipinas sa pag-iimbestiga ng mga patayan at iba pang insidente na may kinalaman sa karapatang pantao sa bansa? Kikilos kaya ang mga imbestigador at rapporteur sa mga alituntunin na inilatag ng Dep’t of Foreign Affairs na dapat ang mga tao at lugar na kanilang iimbestigahan ay may pahintulot ng DFA? Sa aking pagkakaalam ay hindi nagpapadikta sa kagustuhan ng FIlipinas ang mga Rapporteurs ng UN.

***

Para ko nang nakikita ang isasagawang im-bestigasyon ay mga patayan sa enkuwentro sa pagitan ng mga pulis at drug pushers. Posibleng may halong pagdududa na lehitimong enkuwentro ang ma-iimbestigahan, tiyak bubusisiin ito ng UN! Mahigit sa isang libo ang napapatay sa mga enkuwentro ng mga pulis, o nanlaban na drug pushers. Dito malalaman kung ang operasyon ay kapani-paniwala, gaya ng nangyari sa pagkakapatay sa isang mag-ama sa lungsod ng Pasay, at pagkakapatay sa isang baranagy chairman sa naturang lungsod, na umano ay nang-agaw ng baril sa pulis.

***

Tiyak na hindi rin makaliligtas sa imbestigas-yon ng UN ag mga natatagpuang patay na may nakasabit na karton sa kanilang dibdib, nakasaad “Huwag ako tularan, tulak ako ng droga!” Mas marami ang death under investigation o unsolved murders, kompara sa mga napapatay sa enkuwentro ng mga pulis. Kung hindi bibigyan nang tamang aksiyon ang mga patayan, baka iba ang maging interpretasyon UN at EU investigators. Abangan natin ang mga susunod na pangyayari!

***

Dahil wala nang death penalty, kaya dumarami ang bilang ng extrajudicial killings sa bansa. Mukhang tahimik ang CHR ngayon.

Walang demanda o reklamo sa CHR at DOJ dahil walang ebidensiya!

Sa palagay ninyo may lulutang na testigo lalo na kung ang napatay ay positibo sa ilegal na droga?

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *