TAGAHANGA pala ni Judy Ann Santos si Bela Padilla. At kaya nga raw nag-artista ang huli ay dahil sa una. Gusto niya raw kasing makatrabaho ang misis ni Ryan Agoncillo.
Ayon kay Bela, nagsimula raw niyang hangaan si Juday noong nakita niya itong umarte sa last taping day ng defunct series ng tito Robin Padilla niya at Juday na Basta’t Kasama Kita.
Sumama raw kasi siya kay Binoe sa taping. Noong hindi pa raw eksena ni Juday, nakita niya na tawa ito ng tawa habang nakikipagkuwentuhan sa mga kasamahan sa serye. Pero noong take na raw nito, agad itong napaiyak.
Galing sa katatawa tapos iyak daw agad. Nagtataka raw siya kung paano itong nagagawa ni Juday kaya ganoon na lang daw ang paghanga niya sa aktres.
MA at PA – Rommel Placente