Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panggagaya ni Alden kay Andanar, ikinataba ng puso

TATAK na ni Alden Richards ang panggagaya kay Secretary of the Presidential Communications Operations Office Martin Andanar sa Sunday PinaSaya ng GMA 7 bilang Martin Paandar.

Hindi naman minasama ni Sec. Andanar ang pag-impersonate sa kanya ni Alden dahil trabaho lang daw ito at hindi naman sinisira ang image niya. Nakakataba raw ng puso dahil sobrang guwapo at pinakasikat na actor ang gumagaya sa kanya at alam niya kung gaano kamahal ng publiko ang Pambansang Bae. Lamang daw ng sampung paligo si Alden.

Ayaw din niyang mag-suggest kung sakaling i-feature ang life story kung sino ang gaganap. Nang may bumanggit sa name ni Alden. ”Nakahihiya naman kay Alden. Basta bahala na kayong mag-isip kung sino ang bagay,” reaksiyon ni Sec. Andanar.

Samantala, masayang ibinalita ng kalihim na balak nilang palakasin ang PTV4  Radyo ng Bayan, Philippine Information Agency, Philippine News Agency, atNational Printing Office.

Actually, napakaganda na ngayon ng news room ng PTV 4. Nakita namin saFacebook Live ni Dianne Medina na sobrang ganda na ng kanilang news room.

Nag-submit na rin daw ng bill sa Senate si Sen. Loren Legarda at Quezon City Cong. Alfred Vargas sa Kongreso para gawing People’s Broadcasting Network ang PTV4 na parang People’s Broadcasting Corporation o BBC ng UK.

Hindi kaya maungusan pa ang TV5 na pinanggalingan ni Sec. Andanar ‘pag natutukan ang PTV4?

Just asking?

TALBOG – ROldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …