BULONG ng isang police reporter ng isang tabloid newspaper, mahina ngayon ang kanyang sinasahod bilang news correspondent.
Kada istorya niya na ginagamit ng editor ang bnabayaran.
Pero mula nang mauso ang ‘patayan’ na may kaugnayan sa droga, asar na siya dahil puro pinatay dahil sa droga, pinatay ng riding on tandem, wala nang laman ang police blotter kundi puro pinatay dahil sa droga!
***
Nangangahulugan lamang na malaki ang ipinagbago nang umupo ang administrasyong Rodrigo Duterte, nabawasan ang krimen gaya ng mga holdap sa banko, rape, at iba pa. Epekto kaya ito na pangunahing dahilan ng iba’t ibang krimen ay dahil kargado ng ilegal na droga ang mga pangunahing suspek? Tila totoo nga, kaya nabawasan ang krimen!
CSJDM, ISA
SA PINAKAMARAMING
ADIK SA BULACAN
Hindi talaga bubuhayin, siguradong papatayin na ang mga ayaw at matitigas na adik sa ilegal na droga sa City of San Jose del Monte, Bulacan. Ito ang nalaman namin sa mga residente roon. May mga pamilya, na pinagbabkasyon na lamang ang adik na kaanak upang hindi madampot ng mga ‘vigilante’ na siyang pumapatay sa mga natatagpuan na bangkay sa madidilim at madamong lugar. Ang iba naman ay hindi pinalalabas ng bahay.
***
Sabi ng ilang residente, sapol daw nang mauso ang pagpatay sa mga sangkot sa droga, tumahimik na ang mga gulo at ibang krimen sa CSJDM. Matiwasay at wala nang pangamba ang mga umuuwi sa hatinggabi mula sa kanilang mga trabaho. Isa lang narinig namin, “Salamat kay Duterte!”
AKUSASYON KAY VICE GANDA
AT IBANG CELEBRITIES
Kung may katotohanan man ang kumakalat na balitang isa si Noontime show host Vice Ganda, na sangkot sa Party Drugs, how true naman kaya?
Hindi ba mas mainam kung sinalakay ang bahay niya o nahuli mismo nang aktuwal ang sinasabing supplier ng party drugs sa kanyang kapwa celebrities, para mas kapani-paniwala?
Mahirap maniwala, dahil ayaw naman lumantad ang nagsasabi, paano paniniwalaan ng taongbayan!
***
Magugunita na nakiusap ang aktor na si Robin Padilla kay PNP Chief Ronald “Bato” de la Rosa na ‘wag ibulgar ang pangalan ng celebrities na involved sa ilegal na droga dahil maaapektohan ang mga kontrata sa mga TV network o sa mga pelikula na nakatakdang gawin.
Sa ganang akin, isang panloloko ‘yan sa mahihilig sa artista, lalo kung ang ginagampanan sa isang tele-serye o pelikula ay isang mabait na anak, ‘yun pala ay isang adik!
Kunsabagay, Artista nga!
ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata