SA isang interview ni Cesar Montano ay nilinaw niya na walang katotohanan ang kumakalat na balitang umano’y binigyan na siya ng posisyon sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Isa kasi si Cesar sa mga sumuporta kay Pangulong Rody during the campaign period. At ilan sa mga kapwa niya Duterte supporters ay nabigyan na ng puwesto sa pamahalaan.
“Wala itong katotohanan. Wala pa, wala pang position. Ako nga, kahit hindi ako mabigyan ng posisyon, okey lang sa akin. Gusto ko lang talagang sumuporta dahil nakatutuwa dahil we’re so blessed na itong nangyayari ngayon,” sabi ni Cesar.
Patuloy niya, “Tama siya, eh, ang una talagang tatanggalin,’yung mga drug addict. ‘Yung mga liability should turn into assets of the society.”
MA at PA – Rommel Placente