HINDI kilala ni Pangulong Rodrigo Duterte si self-confessed Davao Death Squad (DDS) member Edgar Matobato at hindi niya naging bodyguard kailanman.
Sa isang chance interview sa Pangulo sa Davao City kamakalawa ng hatinggabi, inihayag niya na wala siyang kinalaman kay Matobato taliwas sa isiniwalat sa pagdinig sa Senado na kasama siya sa pagtumba sa 1,000 katao na sinasabing iniutos ni Duterte.
Ayon sa Pangulo, pawang mga unipormado, pulis o sundalo, ang kanyang naging mga bodyguard pati mga miyembro ng kanyang pamilya.
“Hindi. I don’t remember kasi kagaya nito when I was the mayor the one providing the security puro pulis kita mo nga itong driver ko, pulis. Sila Sonny, si Buenaventura when he retired he was removed. Puro pulis talaga. And one time may mga military men assigned also. I think they are still sa ibang ano ko. The police because of the threat against my life and maybe with my family security provided,” sabi ng Pangulo.
( ROSE NOVENARIO )