Monday , December 23 2024

‘Sex’ inuna ni De Lima kaysa bayan — Digong

092316_front

INUNA ni Sen. Leila de Lima ang kanyang ‘hilig’ sa sex kaysa paglilingkod sa bayan bilang serbisyo-publiko kaya maging ang bansa ay binaboy niya.

Sa kanyang talumpati sa mga kampo ng mga pulis sa Misamis Oriental at Cagayan de Oro kahapon, binigyang-diin ni Pangulong Duterte na ang pagbatikos sa kanya ang ginamit na publisidad ni De Lima para sumikat.

Imbes atupagin ni De Lima ang trabaho bilang chairman ng Commission on Human Rights (CHR) at justice secretary, ang pinagkaabalahan niya’y ang pakikipagtalik sa driver kasabay nang pambababoy sa bansa.

Wala aniya ni isang kaso na isinampa laban sa kanya si De Lima sa kabila nang mga akusasyon laban sa kanya bilang human rights violator.

“Ngayon hangang ngayon kita mo, De Lima she was seven years chairman of the Human Rights. Binibira niya ako, hindi pina-file ang kaso. As Secretary of Justice, she was building a name at my expense para ma-popular. So what now? Tingnan mo, she was not only screwing her driver, she was screwing the nation. ‘Yan ang—kita mo na? O ngayon saan na ang human rights? Kaninong papel ang ginamit ninyo para sa investigation? From where were the papers? Kaya mahirap ‘yan ganoon, nakita mo so — after all, kaya sabi ko six months because at that time when I said I need another six months. ‘Yan ‘yung pinaka— sinabi ko kay De Lima “you better hang yourself” kasi nandito na sa mga kamay ko ‘yung – sinabit na nila, tiningnan ko na. So all the while, because of her propensity for sex—ayun,” diin ng Pangulo.

Sabi ng Punong Ehekutibo, kung nanay lang niya si Delima ay babarilin niya dahil sa pagkadesmaya sa babae na lumabas na ang eskandalo sa social media ay nakangiti pa rin na parang baliw.

”Ngayon lang ako nakakita ng babae na lumabas sa buong social media nakangiti parang buang, [maraghuay ni tabok]. P**** ina kung nanay ko ‘yan barilin ko,” sabi ni Duterte.

Ngayon lang aniya naging malinaw sa publiko na ang paglaganap ng illegal drugs sa bansa ay kagagawan mismo ni noo’y justice secretary De Lima.

“For after all just like De Lima, just like the drugs, they thought all the while that it was just really something but only they now realize that the drug — that the whole thing was being dragged by no less than the Secretary of Justice,” dagdag ni Duterte.

“Hindi naman ‘yan — naglabasan na talaga ang totoo e. So in desperation, I said it was not in hunger but in desperation, I uttered and I would like to repeat it: De Lima was not only screwing her driver, she is screwing the nation. Wala akong pakialam kung sino ‘yung mga naglabasan na ‘yan. Lalabas talaga ang totoo e,” wika ng Pangulo.

Binigyang-diin ng Pangulo, matagal na ni-yang sinabi na walang katotohanan ang posturang tagapagtanggol ng karapatang pantao si De Lima ngunit walang naniwala sa kanya.

“And that should put also itong mga human rights, look at what…She was used to be the poster girl with all sense of righteousness and indignation shouting everywhere na “Duterte, ganun…”  Sinasabi ko sa inyo ayaw ninyong maniwala noon e,” aniya.

Binanggit ng Pangulo, nang humarap siya sa pagdinig sa Senado noong nakalipas na administrasyon ay pinagbantaan niya ang rice smuggler na papatayin niya kapag nagpunta sa Davao City at binatikos pa siya ni De Lima.

“Because right after I remember — went to Congress as a witness, summoned by Congress to talk about the rice smuggling, kasi nag…I also uttered if it is a slur, and I said: “It was not me it was Enrile.” Or Enrile asked me: “Anong gawin mo? What will you do if you find this Bangayan in your city smuggling rice?” And I said, “For cheating us, 7 billion that’s the tax for the ship load of rice. I will kill him for 7 billion.” At inulit ni Jinggoy ‘yung question sabi niya, “Ano? Ano?” Tapos he was winking his left eye, “Ano? Ano? Ano ang sinabi mo?” And I said, “Mr. Senator, I would give you an answer you want to hear: Papatayin ko ‘yan kung sa Davao iyan.” And so De Lima criticized me at that time it was only about 8 months bago siya, sabi ko: “De Lima, do not mind my mouth. That is my strength and that is my weakness.” Itong bunganga ko. Napapakinaba-ngan ko ito kapag galit ako kasi ‘yung iba natatakot, hindi naman lahat,” sabi ng Pangulo.

Matatandaan, ibinulgar ng Pangulo na driver-lover ni De Lima si Ronnie Dayan na nangongolekta ng drug money para sa senadora at ang escort-rider ng MMDA na si Warren Cristobal ay nakarelasyon din ng dating justice secretary.

ni ROSE NOVENARIO

BAN KI-MOON, EU HINAMON NG DEBATE NI DUTERTE

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea na padalhan ng liham-imbitasyon sina United Nations Secretary-General Ban Ki-Moon at maging ang mga kinatawan ng European Union (EU) at iba pang rapporteur para magtu-ngo sa Filipinas para magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa sinasabing nagaganap na extrajudicial killings.

Ito ang sinabi ng Pa-ngulo sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Filinvest Development Corporation Misamis Power Plant Phividec Industrial Estate sa Misamis Oriental.

Ayon sa Punong Ehe-kutibo, handa siya sa isang debate o open forum sa Senado o maging sa Folk Arts Theater para makaharap sina Ban at iba pang foreign human rights group. Ngunit dapat aniyang magkaroon siya ng “right to be heard.”

Kapag natapos na aniya sina Ban at iba pang human rights group na tanungin siya ukol sa EJK, dapat siyang bigyan ng tsansa na tanungin naman ang mga dayuhan.

Unang itatanong ni Duterte kina Ban ay kung ano ang pangalan ng unang biktima ng EJK, kung paano ito pinatay, kung kailan at kung saan pinaslang.

Dapat aniyang tingnan ng publiko kung paano niya ilalampaso ang foreign human rights group sa naturang forum.

Ilang beses nang binigyang-diin ng Palasyo na hindi patakaran ng administrasyong Duterte ang EJKs.

( ROSE NOVENARIO )

Duterte sa supporters:
MEDIA ‘WAG BANATAN

NANAWAGAN si Pa-ngulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga tagasuporta na huwag pagbantaan ang mga mamamahayag sa ngalan nang pag-ayuda sa kanyang gobyerno.

Sa kanyang talumpati sa Cagayan de Oro City kahapon, sinabi ni Duterte, bagama’t nagpapasalamat siya sa kanyang supporters, hinimok niya silang huwag takutin ang mga taga-media dahil hindi na makapagsusulat nang totoo ang mga mamamahayag.

“Itong mga international writers, every network meron iyan silang correspondents, everyone. Not necessarily a foreigner but a resident correspondent. And they are not the subject, I was told, of several threats. I appreciate very much your support and may be your—how would I say it — enthusiasm to back me up. You are correct, I am doing nothing wrong but of course we should also not threaten people kasi hindi na sila makapagsulat nang totoo,” ani Duterte.

Kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang social media attacks laban kina freelance journalist Gretchen Malalad at Al Jazeera correspondent Jamela Alindogan-Caudron dahil sa sina-sabing pakikipagsabwatan sa Time magazine sa report hinggil sa extrajudicial killings sa kasalukuyang administras-yon.

Hiniling ng NUJP  kay Communications Secretary Martin Andanar na imbestigahan ang anila’y “open threats” laban kina Malalad  at  Caudron  upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

“For the supporters po ng ating Pangulo, ay maging responsable ho tayo sa ating mga tini-text. Hindi ho maganda iyong we are threatening our own ‘no. Siyempre, Senador po natin si Senador De Lima, she is an elected official of the land,” pahayag ni Andanar.

Hiniling ni Andanar sa media na nakararanas ng cyber harassment, na iulat sa awtoridad at pinayuhan din niya ang mga mamamahayag na iwasan na pagbantaan ang kabaro.

“At ganoon din po ang ating mensahe sa mediamen na hina-harass sa social media space. I understand that the—and we all know that social media is a free space and we can say whatever we want to say. Pero siguro ang pakiusap po natin ay huwag ho tayong magkasakitan ng mga pino-post natin sa social media, at lalong-lalo na ho ay iwasan ho natin na i-threaten iyong ating mga kasamahan sa media. It’s just basic thing, you know. You don’t want something—do unto others what you want others to do unto you,” sabi niya.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *