Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mark at Ken, bagsak na bilang Matteo Do

SOBRANG nae-enjoy ni Jennylyn Mercado ang bago niyang Kapuso show dahil naging malapit na rin siya sa celebrity contestants nito. Balita namin lagi raw excited si Jennylyn tuwing may taping at apektado naman kapag may nagpapaalam sa contestants.

“‘Pag may isang nawawala, nalulungkot din ‘yung iba kasi sanay na sila na kasama palagi ‘yung contestants,” kuwento ni Jen nang nakatsikahan namin sa kanyang album launching na Ultimate under Ivory Records.

Sey ni Jen, medyo naisantabi niya talaga ang recording for the past two years dahil sa rami ng kanyang commitments.

“Nag-focus po ako sa pelikula, sa soap, puro ganoon po muna. Tapos noong natapos na, after niyong ‘Just The Three of Us’, habang wala pang susunod na project, sabi ko, roon (sa music) na lang muna ako magpo-focus,” bulalas ng Ultimate Star.

Ang album ay naglalaman ng seven tracks at ang pinakapaborito raw niya ay ang carrier single na Hagdan at pinaka-nakare-relate siya.

“Kasi very inspirational siya. Nandoon sa lyrics, parang ang daming hindi naniwala, ‘yung ganyan, pero ginawa mo lahat para matupad ang gusto mong abutin sa buhay, hindi forever nasa baba ka, bilog ang mundo, ganyan,” sey ni Jen.

Anyway, naibalita rin ni Jen na may napili na palang leading man para sa serye niyang My Love From The Star. Pero, wala raw siya sa posisyon na magsabi ng iba pang detalye kahit kinulit-kulit siya talaga ng entertainment press kung ano ang hitsura, mahusay bang umarte, guwapo ba, saan galing, may pangalan pa at kung-ano pang tanong.

Basta ang clue lang ni Jen, hindi raw ito artista at napili ito sa audition na isinagawa ng network.

“Basta moreno po s’ya, ayoko nang magsalita, basta tingnan na lang n’yo, kasi baka ilalabas na rin siya soon,” sambit pa niya.

So, bagsak na sina Mark Neumann, Ken Chan na unang nababanggit na kapareha ni Jen.

Anyway, kasama rin sa pitong awiting nakapaloob sa Ultimate album ang Suddenly (with Christian Bautista), Bulalakaw (with Silent Sanctuary), Nakaw-Tingin, Huling Paalam, Lampara, at Magkaibang Mundo.

Mapapanood sa  September 23, 6:00 p.m., si Jen sa Trinoma Activity Center with special Guests, Sarkie Sarangay of Silent Sanctuary and Zack & Frits.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …