Friday , November 15 2024

Ban Ki-Moon, EU hinamon ng debate ni Duterte

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea na padalhan ng liham-imbitasyon sina United Nations Secretary-General Ban Ki-Moon at maging ang mga kinatawan ng European Union (EU) at iba pang rapporteur para magtungo sa Filipinas para magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa sinasabing nagaganap na extrajudicial killings.

Ito ang sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Filinvest Development Corporation Misamis Power Plant Phividec Industrial Estate sa Misamis Oriental.

Ayon sa Punong Ehekutibo, handa siya sa isang debate o open forum sa Senado o maging sa Folk Arts Theater para makaharap sina Ban at iba pang foreign human rights group. Ngunit dapat aniyang magkaroon siya ng “right to be heard.”

Kapag natapos na aniya sina Ban at iba pang human rights group na tanungin siya ukol sa EJK, dapat siyang bigyan ng tsansa na tanungin naman ang mga dayuhan.

Unang itatanong ni Duterte kina Ban ay kung ano ang pangalan ng unang biktima ng EJK, kung paano ito pinatay, kung kailan at kung saan pinaslang.

Dapat aniyang tingnan ng publiko kung paano niya ilalampaso ang foreign human rights group sa naturang forum.

Ilang beses nang binigyang-diin ng Palasyo na hindi patakaran ng administrasyong Duterte ang EJKs.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *