Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PSG ‘bagman’ ni De Lima confined sa barracks (Ihaharap sa house probe)

KINOMPIRMA ng Presidential Security Group (PSG), inalisan na nila ng gampanin bilang PSG member ang naging bodyguard at sinasabing bagman ni Sen. Leila de Lima.

Sinabi ni PSG Commanding General Rolando Bautista, inalisan nila ng gawain si Air Force Sgt. Jonnel Sanchez, tinukoy sa pagdinig sa Kamara, na ‘bagman’ ni De Lima noong siya ay Justice secretary pa, sa illegal drug operation sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay General Bautista, pagkatapos ng “tour of duty” ni Sanchez bilang bodyguard ni De Lima sa loob ng limang taon, naka-assign siya ngayon bilang security personnel ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Inihayag ni Bautista, makaraan mabanggit ng mga testigo si Sanchez sa isinasagawang imbestigasyon ng Kongreso na siya ang tumatayong ‘bagman’ ni De Lima, agad siyang inalisan ng duty at naka-confine sa barracks.

EX-SECURITY AIDE NI DE LIMA
IHAHARAP SA HOUSE PROBE

NAKAHANDA ang Presidential Security Group (PSG) na iharap sa pagdinig sa Kongreso ang isang miyembro na dating security aide ni Sen. Leila de Lima, tinukoy na sabit sa operasyon ng illegal drugs sa New Bilibid Prisons (NBP).

Sa press conference sa Palasyo, sinabi ni Lt. Col. Micahel T. Aquino, spokesman ng PSG, upang matiyak ang kaligtasan ni Phil. Air Force (PAF) Sgt. Jonel Sanchez, siya ay “confined to barracks” habang gumugulong ang imbestigasyon kaugnay sa pagkakasangkot niya sa illegal drugs trade sa NBP noong siya’y security aide ni De Lima.

“In unison with our people’s clamor for justice and truth, we requested the said person, the said troop to fully cooperate so that we can achieve truth and justice,” ani Aquino.

Bago aniya nagsimula ang pagdinig sa Kongreso ay iniimbestigahan na ng PSG si Sanchez at isinailalim na sa lifestyle check.

“He is now undergoing investigation,” sabi ni PSG Commander B/Gen. Rolando Bautista kamakalawa sa Hataw.

Nauna nang napaulat na limang taon naging security aide ni De Lima si Sanchez, mula 2010-2015, ngunit dalawang taon pa lamang aniya sa noo’y justice secretary ay nakapagpatayo na ng bahay at nakabili ng kotse ang PSG member.

Ani Aquino, pansamantalang nakatalagang security aide ni Executive Secretary Salvador Medialdea si Sanchez hanggang Setyembre 18, 2016 habang ‘inaasikaso’ ang kanyang reassignment sa PAF na kanyang mother unit noong Hulyo 1, 2016.

Sa pagdinig ng Kongreso kamakalawa ay ibinunyag ni convicted robber Herbert Colangco, inutusan siya ni Sanchez na mangolekta ng 30 hanggang 50 kilo ng shabu mula sa bigtime Chinese druglords sa NBP.

Ang drug money aniya ay ginamit bilang campaign funds ni De Lima noong 2016 elections.

Sa pamamagitan aniya ni Sanchez ay tumatanggap ng isang milyong piso si De Lima kada buwan mula Oktubre 2013, kasama na ang kickbacks sa benta ng beer sa mga konsiyerto niya sa loob ng NBP.

Ang isang case ng beer ay ibinebenta ng P10,000 sa loob ng NBP ngunit sa labas ay P700 lang.

Madalas din aniyang nanghihingi ng dagdag na pera sa kanya si Sanchez at maging kay Jaybee Sebastian, ang kidnap-for-ransom convict na utak ng koleksiyon ni DE Lima sa NBP.

Giit ni Aquino, walang itinanggi at wala rin inamin si Sanchez sa mga alegasyon laban sa kanya ni Colangco.

“Wala po siyang idine-deny. Wala po siyang ina-accept. Nag-i-investigate pa po tayo,” aniya.

Sabi ni Aquino, maaaring isailalim sa court martial proceedings si Sanchez alinsunod sa proseso ng militar.

“He’s a military. So kapag may inconsistent actions sa military professionalism, usually, iyon ang kino-conduct natin ng court martial,” dagdag niya.

Nananatiling nakatalaga sa PSG ang misis ni Sanchez na miyembro ng Women’s Auxiliary Corps (WAC).

( ROSE NOVENARIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …