Monday , December 23 2024

Mukha ni Matobato pamilyar sa Palasyo noong PNoy admin

PAMILYAR ang mukha si self-confessed Davao Death Squad (DDS) member Edgar Matobato Malacañang Complex sa JP Laurel St., San Miguel, Maynila noong administrasyong Aquino.

Ito ang nabatid ng Hataw sa isang source na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Aniya, nakikita si Matobato sa parking area sa tapat ng San Miguel Church sa Malacañang Complex noong Aquino administration.

May pagkamaangas aniya si Matobato kaya siya natandaan na naging “frequent visitor” sa Malacañang Complex.

Malapit umano sa Bahay Ugnayan tumatambay si Matobato kapag nakikita siya sa nasabing erya.

Noong administrasyong Aquino ay matatagpuan ang tanggapan ng EDSA People Power Commission sa Bahay Ugnayan na pinamunuan nina Director Maria Montelibano at Commissioner Emily Abrera.

Matatandaan, sumikat si Matobato nang iharap bilang star witness ni Sen. Leila de Lima sa pagdinig ng Senado sa nagaganap na extrajudicial killings sa bansa.

Bago siya lumantad sa Senado ay inilako umano ng isang ex-Palace reporter ang “exclusive scripted video” ni Matobato sa isang photographer ng New York Times.

Ang ex-Palace reporter umano ang nagsilbing director ng “exclusive scripted video”ni Matobato na gusto nilang mabuyangyang sa international media ang mga hinabing kasinungalingan laban sa gobyernong Duterte.

Kapalit umano ng malaking halaga ay nagkasundo ang photographer at ex-Palace reporter na linlangin ang editors ng NY Times at pinalabas sa kanila na interview ito ng isang “stringer” kay Matobato, pero ang totoo ay kasado na ang question and answer.

Sinabing na “drug money” ang ginastos ng kampo ng isang lady narco solon para siraan ang Pangulong Duterte makaraan ibuko na sabit sa operasyon ng illegal drugs.

Nabisto umano ng NYT na ‘kinoryente’ sila ng kontak sa Filipinas sa video ni Matobato kaya nagpadala ng tauhan sa bansa para imbestigahan ang pangyayari.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *