Saturday , November 16 2024

Digong magra-rambo sa Bilibid (Kapag nabuang)

092216_front

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga convicted criminal sa New Bilibid Prison (NBP) na nasa likod ng illegal drugs operations, na magdasal na huwag siyang takasan ng katinuan dahil baka mag-ala -Rambo siya at ratratin hanggang maubos ang drug lords sa nasabing kulungan.

Sinabi ito ni Duterte matapos basahin ang narco-list sa harap ng mga opisyal at kagawad ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, sa  Camp Elias Angeles, Camarines Sur.

Kasama sa narco-list na may 1,000 personalidad na promotor ng ilegal na droga sa bansa ang 40 hukom kabilang ang ilang Chinese nationals at isang ‘Diana Lagman’ mula sa lalawigan ng Pampanga.

Hawak ang narco-list, binilang ng Pangulo ang mga hukom na sabit sa illegal drugs, binasa ang pangalan ng ilang Chinese at ni Lagman saka ibinigay sa hepe ng 9th Infantry Division ng Philippine Army.

“Ngayon… makinig kayo ha. Ngayon wala na masyado sa labas. But if you want to buy shabu, kung magnegosyo ka, kailangan pupunta ka muna sa penal colonies, pati riyan sa Muntinlupa. Totoo iyan. Ako abogado, hindi ako nagsisinungaling. Ang aming assessment ngayon kaya lalagyan ng jammer. Kita mo, maggastos pa tayo. Tanggalin ko muna iyong mga ano, lagyan ko ng SAF. Ngayon, maggagastos pa tayo ng mga jammer. Magdasal lang sila na hindi ako mabuang. Kasi ‘pag ako ang nabuang, ako na magdala ng M16. May mga ano lang ako siguro, may dalawang bandolier, ubos lahat iyan. Tapos ang problema natin. Itong mga p*ta, ginawa talaga tayong loko-loko,” ayon sa Pangulo.

Muli niyang ipinaalala sa tropang militar na kahit wala na siya sa poder ay huwag nilang abandonahin ang tungkulin na protektahan ang bayan at huwag hayaan na mahulog sa kamay ng mga kriminal ang bansa.

“Well anyway I said, if that problem outlast me for whatever reason – mamatay ako, matanggal o ano… sa buhay na ito. Sinabi ko sa inyo, isa sa mga opisyal, do not… do not abandon your job. Solbahin ninyo iyang problema na iyan, kasi sisirain ang Filipinas niyan. Para tayong ini-invade na pinakain mo, na hanggang nakatulog na, nalulong, yayariin tayo,” sabi ni Pangulong Duterte.

Inaasahang sa mga susunod na araw ay isisiwalat ng Pangulo ang 1,000 personalidad sa kanyang narco-list.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *