TAKOT din pala ang management ng Mall of Asia (MOA) sa mga bomb threat, sa pangambang madamay ang kanilang establisyemento, kaya pinayagan na magpatrolya ang mga unipormadong pulis sa loob ng kanilang malls, na dati ay mahigpit na ipinagbabawal.
***
Noon pa dapat puwede ang mga pulis, dahil natatandaan ko noon, nang salakayin ng grupo ng Martilyo Gang ang loob ng Mall of Asia, ang mga pulis na nagresponde ay hanggang pintuan lamang.
Bakit ganoon, ang tanong ng mga taong naroroon? Ano nga naman ang magagawa ng secutiry guards? Buti naman at nauntog si Mr. Henry Sy, na walang kredibilidad kompara sa mga pulis, ang mga secutity guards!
MGA PRIVATE CARS PUMALAG
SA ISYUNG BAWAL NA SA EDSA
PUMALAG ang mga nagmamay-ari ng mga pribadong sasakyan sa napabalitang bawal na dumaan sa EDSA. Sa dahilan na ang EDSA umano ang pinakamalapit na daan patungo sa kanilang trabaho!
Kung ang sentro ng gobyerno umano ay linisin ang EDSA sa buhol-buhol na trapiko, mas magiging matindi ang trapik sa bahaging Roxas Blvd., at sa mga nasa loob na kalye.
***
Ang solusyon umano sa sobrang trapik ay pigilan ang mga distributor ng sasakyan na magbenta ng sasakyan sa mga sumasahod ng P30-40 mil isang buwan.
Dahil sa promotions ng mga distributor o dealer ng mga bagong sasakyan na murang down payment, marami ang sumusunggab kahit mahihirapan magbayad.
***
Sa sobrang dami ng sasakyan, mahihirapan na talaga ang gobyerno na mapigilan ang sobrang higpit ng trapiko, lalo pa ngayon na sobrang baba ng down payments para makakuha ng mga bagong sasakyan.
***
Dapat siguro ay ituloy ang planong tatlong beses na lamang isang linggo ang biyahe ng private cars, at walang ipamamahaging exception passes para makatiyak na walang makalulusot.
***
Kung ang Kagawaran ng PAG-IBIG ay may 75,000 housing na kinompiska, dahil hindi nagawang makabayad ng mga miyembrong kumuha nito, what more pa sa mga sasakyan na minsan ay luho na lamang o makapagyabang!
ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata