Monday , December 23 2024

‘Drug money’ iginatong sa unverified report ng NYT (Interview kay Matobato scripted)

092116_front

PINANINIWALAANG ‘drug money’ ang ginagastos upang ‘koryentehin’ ang international media sa instigasyon ng isang ex-Palace reporter na sinabing nasa likod ng public relations (PR) stunt ni Edgar Matobato.

Ayon sa isang source ng Hataw, inilako ng ex-Palace reporter ang “exclusive video” ni Matobato, ang star witness sa hearing ng Senate Committee on Justice, sa isang photographer ng New York Times.

Dahil buo na aniya ang ‘script’ ni Matobato na gusto nilang mabuyangyang sa international media ay kinagat ito ng photographer.

Kapalit umano ng malaking halaga ay nagkasundo ang photographer at ex-Palace reporter na ‘palusutan’ ang editors ng New York Times at pinalabas na interview ng isang “stringer” kay Matobato, ngunit ang totoo ay kasado ang scripted na questions and answers interview.

Nabatid sa source na ang “exclusive video” ni Matobato ay isinalya sa NY Times matapos ang pagharap niya sa pagdinig sa Senado noong nakalipas na Huwebes.

“Ginamit ng NY Times ang video kinabukasan matapos ang Senate appearance ni Matobato nang hindi man lang bineripika ang kredibilidad nang pinagmulan nito,” anang source.

Hindi birong halaga aniya ang ‘siningil’ ng ex-Palace reporter sa isang lady solon na isinasangkot sa illegal drugs para mapanood ng buong mundo ang ‘scripted video’ ni Matobato at lumabas na napakasamang tao ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kung pinanood lang sana ng editors ng NY Times ang Senate appearance ni Matobato ay mabubuko nila ang tahasang pagsisinungaling dahil hindi tugma sa katotohanan ang kanyang mga isiniwalat,” sabi ng source.

Abala rin aniya ang ex-Palace reporter sa kaliwa’t kanan na pakikipagpulong sa ilang kontak niya sa Philippine media para lumabas sa mga pahayagan, radio, telebisyon ang lahat ng pahayag ng lady solon na protector ni Matobato.

Bukod sa photographer, isang foreign correspondent na may inisyal na GJ ang sinabing narekrut ng ex-Palace reporter para magsulat din ng anti-Duterte stories sa isang wire agency pero gumagamit ng pseudonym.

Matatandaan, sa kanyang pagharap sa Senado at sa video na inilabas ng NY Times ay nagpa-kilala bilang paramilitary na miyembro ng Davao Death Squad (DDS) si Matobato at may 1,000 na raw ang kanyang napa-patay sa utos umano ni Duterte.

Sa koryenteng ‘exclusive scripted video’ ni Matobato
NEW YORK TIMES NAGPADALA NG PROBE TEAM SA PH

PINAIIMBESTIGAHAN ng New York Times ang napaulat na ‘koryenteng istorya’ sa kanilang kom-panya nang ilabas ang ‘exclusive scripted video’ ni Edgar Matobato kamakailan.

Nabatid sa source ng Hataw, isang may inisyal na RP ang pinapunta umano ng NY Times sa Filipinas para siyasatin ang napaulat na nagamit ang kanilang news agency para pagkakitaan ng ‘narco-media’ sa bansa.

Kabilang sa nais alamin ng NY Times, ang ulat na tumanggap ng drug money ang isang photographer kapalit nang pagpapadala sa kanila ng ‘exclusive scripted video’ ni Matobato na inilabas nila nitong Setyembre 16, 2016.

Isang ex-Palace reporter ang kumontak kay alyas RP para isumite ang exclusive scripted video ni Matobato sa NY Times.

Gaya ng kanyang pahayag sa pagdinig sa Senate Committee on Justice ay inilahad ni Matobato sa exclusive video ang kanyang partisipasyon sa pagpatay sa 1,000 katao bilang paramilitary at kasapi ng Davao Death Squad sa utos umano ni Pangulong Rodrigo Duterte noong alkalde pa sa Davao City.

“Walang kamalay-malay ang NY Times na kasama na pala sila sa mga ‘inayos’ na international media para siraan si Duterte at ibangon ang bulok na imahe ng lady solon na sabit sa illegal drugs,” anang source.

Isang Father Pon ang umano’y custodian ni Matobato pero walang impormasyon ang source kung batid ng pari na drug money ang ginugugol para sa publisidad ng ex-paramilitary sa international media.

Giit ng source, malaki ang posibilidad na may mga kontak na media sa Malacañang ang ex-Pa-lace reporter na ang trabaho nama’y tumutok sa reaksiyon ng mga opisyal ng administrasyong Duterte sa mga isyu laban sa lady narco-solon.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *