Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kath, tapos na sa ‘pabebe’ acting, kaya ring makipagsabayan kay DJ

AFTER manood ng block screening ng Barcelona ay nag-dinner kami kasama ang KB Buddies ni Kathryn Bernardo.

Naghihimutok sila dahil may isang sarado na critic na instead na purihin ang improvement ng acting ni Kath sa naturang pelikula ay pinipintasan pa rin ito. Nagsususpetsa tuloy sila na dahil maka-Maine Mendoza ang isang columnist na nang-ookray sa idol nila ay hindi niya talaga mapapansin ang mahusay na pagganap ni Kathryn. Marami naman kasi ang nagsasabi na lumampas na si Kath sa ‘pabebe’ acting niya. Unfair naman kay Kathryn na sabihing napag-iwanan siya ni Daniel Padilla pagdating sa aktingan. Malawak ang pang-unawa ng KB Buddies sa mga isyu sa idol nila. Tanggap nila kung constructive ang puna sa idol nila kahit nasasaktan sila. Pero over na raw ‘yung okrayin ang acting ni Kath sa Barcelona dahil napiga naman ito ni Direk Olive Lamasan at nakipagsabayan naman kay Daniel.

Anyway, tuwang-tuwa ang KB Buddies dahil talagang kumikita ang  Barcelona at  araw-araw ay nadaragdagan ang sinehan nito. Kaliwa’t kanan din ang block screening sa nasabing pelikula.

Nagbubunyi rin sila dahil noong Sabado, dalawang awards ang natanggap ni Kathryn. Ito’y ang Most Influential Endorser of the Year at Most Outstanding Young Actress in Television ng Eduk Circle Award.

Havey!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …