Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathniel karla estrada

Karla, na-shock at nasorpresa sa kissing scenes ng KathNiel

KAHIT si Karla Estrada ay nagulat din sa kissing scenes nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Barcelona: A Love Untold.

Hindi pala nagpaalam si DJ sa kanyang ina na gagawin niya ang naturang eksena. Na-shock at nasorpresa na lang ito nang mapanood. Ito ang pahayag ni Karla nang magsalita siya at magpasalamat sa KDKN (Kathryn, Daniel, KathNiel) Solidarity Community… Appreciation night para sa limang taon ng KathNiel.

Anyway, bilib talaga ako sa fans ng KathNiel dahil kanya-kanya silang paandar at paggawa ng block screening. Sa true lang tatlong beses na naming napanood ang Barcelona dahil sa kanilang imbitasyon. Noong Friday night ay pinangunahan naman ng Team DJPTFC na si Elsa Soriano ang kanilang representative.

Noong Sabado naman ay ang KNPROTECTORS at TFC FRIENDS sa pakikipagtulungan ang KB Buddies nina Tita Long Gumatay ang may pakana ng block screening sa Dolphy Theater ng 4:00 p.m.. Sumuporta at nanood ang mga madre, special children, at magulang ng Sacred Heart Center sa Fairview, QC. Mahal na mahal ng mga madre ang KathNiel at kinikilig din sila.

Pasabog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …