Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sinibak na P’que.City jail warden nasa Mla City Jail na

Dragon LadyNAKAPAGTATAKA na ang dating Jail Warden ng Pque.City na nasibak dahil sa pagsabog ng isang granada na ikinamatay ng sampung preso noong Agosto 13,ng taong kasalukuyan, ay napuwesto pa ngayon bilang Jail Warden ng Manila City Jail,epektibo ng Septyembre 16.

***

Hindi makapaniwala ang mga Jail Warden sa iba’t-ibang kulungan sa NCR na ang isang Jail Warden gaya ni Supt. Gerald Bantag,na ,ay kasong kinasasangkutan,kasama ng dalawang jailguard dahil sa malagim na krimen na naganap na pagsabog sa Pque. City Jail ay mabibigyan pa ng mas magandang puwesto. Ilan pa kayang preso na pawang may kaso na may kaugnayan sa iligal na droga ang mamamatay,dahil sa kahina-hinalang pagsabog ng granada? Anong utak ba meron itong si BJMP Director Serafin  Barreto Sr., sa dinami-dami ng matinong Jail Warden ang puwedeng ilagay sa Manila City Jail, itong si Supt. Bantag pa ang napili?alam kaya ito ni DILG Secretary Ismael Sueno?

***

Teka, parang may naamoy ako…….yung naganap na pagsabog sa Pque. City jail ay mukhang may senaryo , at may basbas na matataas na opisyal ng BJMP, duda ako na may panibagong senaryong magaganap sa Manila City jail, sa dami ng mga “Big Time” drug pushers na nakakulong sa nabanggit na kulungan,baka hindi na granada ang pasabugin….. MGA HIGH EXPLOSIVE DEVICE NA!

***

Bulong ng aking source, hindi pa ito alam ni DILG Secretary Sueno,dahil ang naglabas ng order para gawing Manila City Jail Warden itong si Bantag ay ang BJMP Director! How True? pakiesplika nga Director!

BADING NA CHIEF OF POLICE

Hindi porke bakla ay wala ng karapatang manungkulan bilang Chief of Police, napatunayan yan matapos na mabulgar na isang bakla pala ang hepe ng isang lungsod sa Kalakhang Maynila.

***

Take note,itong si bading na hepe ay maraming accomplishment,talo pa ang tunay na “macho”,mahusay at ma-PR itong si hepeng Homosexual,maraming huli sa iligal na droga,hindi halata na bading itong si hepe,bagkus lalaking-lalaki ang dating nito pag kaharap ang kanyang superior officers,kaya lang nabuking ay oong minsan ay sumaludo ito naka-fly away ang mga daliri! SINO SIYA? bahala kayo mag-isio mga “igan!

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …