MAGING kalmado at mapagmatyag.
Ito ang payo ng Palasyo sa mga Filipino na nakabase sa New York makaraan ang pagsabog Chelsea district na ikinasugat ng 29 katao.
“We advise Filipinos living in the area to remain calm and vigilant as we wait for further developments,” sabi ni Communications Secretary Martin Andanar.
Nakatutok aniya sa sitwasyon ang Philippine Consulate General sa New York habang isinasagawa ng mga awtoridad ang imbestigasyon sa insidente.
“As authorities begin to investigate, the Philippine Consulate General in New York continues to monitor the situation closely,” aniya.
Ikinalungkot aniya ng Palasyo ang nasabing insidente.
“We are deeply saddened by the New York explosion that left scores injured in Chelsea district,” ani Andanar.
Batay sa inisyal na imbestigasyon,m hindi terror attack ang pagsabog ngunit maaaring sinadya nang hindi pa matukoy na pangkat.
( ROSE NOVENARIO )