Saturday , November 16 2024

P30-M ransom sa Norwegian hostage ‘di alam ng Palasyo

DUMISTANSYA ang Palasyo sa ulat na pinalaya ng teroristang Abu Sayyaf Group ang Norwegian hostage kamakalawa makaraan magbayad ng P30-M ransom.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, pinanininndigan ng administrasyong Duterte ang no ransom policy ng gobyerno ngunit sakaling  nagbigay ng ransom money sa ASG ang pamilya ng Norwegian hostage na si Kjartan Sekkingstad para siya’y palayain, hindi ito alam ng Malacanang.

“We maintain a no-ransom policy. Kung nagbigay man ang pamilya, hindi namin alam iyan. Kung meron mang third party na nagbigay, hindi namin alam iyan,” ani Andanar.

Hinamon niya ang media na isiwalat sa Palasyo kung saan nakuha ang impormasyon na nagbayad ng ransom money ang pamilya ni Sekkingstad para mabatid nila ang mga detalye.

“Siguro kung saan ninyo nakuha, media, ang impormasyon na iyan, you tell us kung saan niyo nakuha at kung sino ang nagbigay kasi wala kaming alam, wala kaming impormasyon tungkol diyan sa ransom na ‘yan. But as far as the government is concerned, we maintain a no-ransom policy,” giit ni Andanar.

Kamakalawa, inihayag ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na si Sekkingstad ay pinalaya ng ASG nitong Sabado ng hapon sa Patikul, Sulu at nagpalipas ng magdamag sa bahay ni Moro National Liberation Front (MNLF ) founding chairman Nur Misuari nang makansela ang nakatakda sanang pagpresenta sa kanya kay Pangulong Duterte sa Davao City, dahil sa masamang panahon.

Ani Dureza, tumulong ang mga kasapi ng MNLF para sa ligtas na paglaya ni Sekkingstad.

Sa kanyang press conference sa Davao City noong Agosto 25 ng madaling araw, inatasan ni Pangulong Duterte ang militar at pulisya na durugin ang ASG nang mabatid na pinugutan ng mga terorista ang bihag na 18-anyos na si Patrick Almodovar.

“Is that the other one? ‘Yung Norwegian, is that the one? Well, if that’s the one then I would accuse now the Abu Sayyaf of utter bad faith. Binayaran na ‘yun sila, 50,000, they were adding—Ano?” anang Pangulo.

“That’s why I’m sending the troops there and tell them to destroy—My orders to the Police and to the Armed Forces against all enemies of the State: Seek out. Seek them out in their lairs whatever and destroy them. Ang mga droga, destroy them. Ang mga Abu Sayyaf destroy them. Period. Napaka-ano naman nila. Diyan ako nawalaan ng bilib sa inyo. Pasalamat ako when I won by landslide. Alam naman ninyo kung ano. I have this little connection by blood with you. But you know, nawawala talaga ako ng bilib sa inyo. Although hindi ako Tausug. More of the Maranao side. But, ‘di ako bilib sa inyo,” ayon sa Pangulo.

Magugunitang bukod kay Almodovar, pinugutan din ng ASG ang mga bihag na Canadians na sina John Risdell and Robert Hall ngunit ang kasabay na binihag na si Marites Flor, isang Filipina, ay pinalaya noong Hunyo.

Sina Risdell, Hall, Flor at Sekkingstad ay kinidnap ng ASG noong Setyembre 2015 sa Samal Island.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *