Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lloydie nakiusap, tigilan na ang pagli-link sa kanila ni Maja

NAGSALITA na si John Lloyd Cruz tungkol sa pagkaka-link niya kay Maja Salvador.  Ayon sa una, nababaduyan siya sa isyu sa kanila ng huli.

“Eh, paano na hindi ka mababaduyan, ayoko nang mag-expound kasi alam ko naman ang trabaho ninyo (reporters),” sabi ni John Lloyd sa interview sa kanya ng Pep.ph.

Iginiit ng award-winning actor na magkaibigan lang sila ni Maja.

“The more na hindi dapat lagyan ng ganoong anggulo. Nagagamit lang sa airtime sa iba’t ibang show, and we don’t appreciate kasi napakaliit ng bakuran natin.

“Alam ninyo, rito, lahat tayo magkakasama, magkakakilala tayo lahat dito. Alam ninyo kung ano ang totoo at hindi. Hindi ako napipikon, naiintindihan ko ang media.”

Pero pakiusap lang ni Lloydie sa media, sana raw, imbes na magbigay ng liwanag ay huwag nang dumagdag sa pagbibigay ng kalituhan sa mga tao.

Iwas naman ang binata nang tanungin kung handa na ba siyang pumasok sa panibagong pakikipagrelasyon. Ang huling naging girlfriend ni John Lloyd ay si Angelica Panganiban.

Aniya, “It’s something na hindi mo naman… alam mo ba kung kailan ka magiging ready for a relationship? I don’t think so.”

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …