Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Payo ni Duterte sa AFP: Magsanay sa profiling, long fight vs terrorism

NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Duterte na ang susi sa tagumpay ng giyera kontra-terorismo ay kilalanin ang kaaway.

Sa kanyang pagbisita sa 5th Infantry Division sa Camp Melchor F. Dela Cruz sa Gamu, Isabela kahapon, inatasan ni Pangulong Duterte ang mga sundalo na ipatupad ang estratehiyang militar na kilalanin nang husto ang kaaway ng estado, partikular ang teroristang Abu Sayyaf Group (ASG).

Ang pagkilala sa kaaway ay nakasaad sa aklat na “Art of War” na iniakda ni military strategist Sun Tzu noong 5th century BC na hanggang ngayo’y sinusunod ng mga lider sa buong mundo sa pakikihamok sa mga kalaban.

Ang pinakasikat na linya sa Art of War ay “If you know the enemy and know yourself, you need not fear the result of a hundred battles. If you know yourself but not the enemy, for every victory gained you will also suffer a defeat. If you know neither the enemy nor yourself, you will succumb in every battle.”

Paliwanag  ng Pangulo, mula sa pagiging mga ordinaryong sundalo, dapat silang magpakadalubhasa sa intelligence work dahil naghahasik ng terorismo sa kalunsuran ang ASG bukod sa prenteng giyera gaya nang ginagawa sa Gitnang Silangan ng ibang international terrorist groups.

Ang ASG aniya ay hindi na awtonomiya ang ipinaglalaban, hindi na makikipag-usap sa gobyerno kundi nais nang magkaroon ng sariling kaharian sa Timog Silangang Asya.

“Ang Abu Sayyaf, no longer hungers for independence sa Mindanao. They are no longer hungry for autonomy. They are hungry for a fight to establish a caliphate in Southeast Asia. Caliphate is a kingdom for the Muslims. Moro lang naman dito sa atin ‘yan e. The natives… they’re called the Moro. Kasi Moro naman talaga ‘yan sila. So ang problema is hindi na ‘yan sila makipag-usap on the basis of anong maibigay mo, eskwelehan or… It’s either the caliphate or nothing. Ito, you have to reorient and reinvent yourself because itong terrorism just like in the Middle East although may front war, may kasaling urban terrorism. Putok dito, putok doon. Araw-araw ‘yan, magtingin ka sa newspaper. CNN or lahat ng international network. ‘Yan ang problema. May banatan, maybe in Mindanao talagang intense ‘yan,” ayon sa Pangulo.

Hindi aniya gaya ng New People’s Army (NPA) na naglipana sa iba’t ibang bahagi ng bansa at nakikipaghabulan sa militar, ang ASG ay nagkukuta sa isla ng Sulu kaya kailangan talagang hanapin.

“So hindi kagaya— ang NPA, on the move, naghabulan kayo. Itong Abu Sayyaf, kasi island lang naman, static ‘yan sila diyan. Hanapan ‘yan. Pabilisan na lang ng tenga pati mata. So you have to train more, you have to reinvent yourself from almost a soldier in uniform to all of you being intelligence operatives,” dagdag niya.

”Kasi karamihan diyan, magpasyal ka, mangangamoy ka. Hindi naman army to e. So, they come as parang farmers. Just like in the Middle East, may paputok na ng kotse ‘yan. Hindi ‘yan kontento doon sa Davao na bomba-bomba. So it’s a long fight ahead,” aniya.

Tiniyak ng Pangulo na lahat ng kagamitang kailangan ng AFP para gampanan ang kanilang tungkulin ay kanyang ibibigay.

“Kaya ninyo ‘yan, pag-aralan lang ninyo nang mabuti. Profile. The profiling of a bomber or a terrorist. Now the second I said, you will have everything you need. Walang problema ibigay ko sa ’yo lahat,” giit niya.

Covert operations ang nais ng Commander-in-Chief na ipatupad ng AFP para maresolba ang problema sa mga susunod na taon.

“Just a piece of advice: Ngayon, there’s a lull, silence. Train, slowly train sa covert. Covert tawag diyan. So that you’ll be able to deal with the problem in the coming years,” sabi ni Duterte.

Nauna nang nagbabala ang Pangulo na kapag hindi nagwagi ang gobyerno kontra terorismo ay maaaring lumala at magkaroon ng digmaang sibil sa bansa.

( ROSE NOVENARIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …