INIULAT ng Philippine National Police (PNP), umaabot na sa 1,138 drug personalities ang napatay sa buong bansa sa pagpapatupad ng “Oplan Double Barrel” mula Hulyo 1 hanggang dakong 6:00 am kahapon, Setyembre 17.
Batay sa pinakabagong report ng PNP kahapon, sa nasabing panahon, nasa 17,319 drug personalities ang naaresto sa isinagawang 18,832 police operations.
Ang “Oplan Double Barrel” ay pinasimulan ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa laban sa ilegal na droga na target ang bigtime at small-time drug pushers.
Una rito, ibinida ni Gen. Dela Rosa, mula nang ipatupad ang maigting na operasyon, bumaba ng 80 hanggang 90 porsiyento ang supply ng ilegal na droga sa bansa.
ni ROSE NOVENARIO