Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga pekeng whitening products nagkalat

Dragon LadyBABALA sa mga nais na pumuti ang balat, nagkalat ngayon ang mga pekeng whitening products na hindi aprubado ng Food and Drugs Administration (FDA), dahil imbes kuminis at pumuti ang balat ay maging masama ang epekto nito.

Patuloy na ibinebenta sa merkado ang nasabing mga produkto sa kabila ng mga babala dahil sa taglay na mercury, matitigas pa rin ang ulo ng ilang negosyante.

***

Sa Lalawigan ng Laguna, nagkalat ang mga pekeng whitening products, kaya ayon sa grupong Eco Waste Coalition, mas mainam na huwag bumili ng mga pekeng produkto ng whitening products, partikular sa mga bayan ng Biñan, Sta. Rosa,Laguna.

Sumulat ang nasabing grupo kina Mayor Arman Dimaguila at Mayor Danilo Fernandez, para bigyan ng babala ang kanilang constituents. Baka nakakalimutan natin na ang mga meyor, law enforcers at LGUs ay deputized ng FDA, kaya puwedeng hulihin ang mga nagbebenta ng highly toxic cosmetics products.

SEX MAS MAINAM
SA TUMATANDANG
MGA BABAE

Mas nakabubuti umano sa kalusugan ng mga tumatandang babae na nasa pagitan ng 40-85 years old ang madalas na pakikipag-sex habang panganib naman ito sa tumatandang lalaki.

Ito ay base sa pag-aaral na isinagawa sa 2,204 katao na may nabanggit na edad na lumahok sa survey na nalathala sa Journal of Health and Social Behavior. Sinasabi na ang mga kababaihan sa ganitong edad na madalas nakikipag-sex ay malaki ang tsansang makaiwas sa sakit na hypertension, samantala sa kalalakihan ay mas malaki ang tsansa na magkaroon ng sakit sa puso kapag may pakikipag-sex nang isang beses o higit pa sa loob ng isang linggo!

O mga matrona, at senior citizens, ano pa ang hinihintay ninyo!

e-BINGO GAMES SA LOOB
NG CASINO DAPAT

Hindi kukulangin sa 200 e-Bingo games station ang ipasasara ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) dahil sa paglabag.

Noong nakalipas na dalawang linggo, dalawang stations ang ipinasara, dahil karamihan sa mga naglalaro ay pawang menor de edad, at nagiging daan na naisasagawa ang drug trafficking o bentahan ng ilegal na droga.

Baka ilagay na lamang ito sa loob ng Casino o hotel, ayon sa PAGCOR. Hinihikayat ngayon ng PAGCOR ang Offshore Online para mabawi ang revenue sa mga nagsarang  e-Bingo Cafes.

***

Mula nang magsara ang ilang gaming cafe ay nasa mga Internet Cafe naman ngayon nadadalas ang mga kabataan, andiyan ang pustahan, gaya sa mga Internet Cafe na nasa ikatlong palapag ng gusali ng Puregold sa Taft Ave., Pasay City. Dapat itong aksiyonan ng administrasyong Tony Calixto, gayong siya ang Alkalde ng lungsod! Pawang mga estudyante ang laman ng Internet Café at napupustahan. Isang estudyante ang may hawak ng pera na ibibigay sa mga mananalo sa larong pinaglalabanan sa computer ng mga Internet Cafe!

ISUMBONG MO KAY LADY DRAGON – Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …