Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pag-amin ni JC, pinag-usapan sa social media

PAK NA PAK ang bagong serye ng JaDine na Till I Meet You ng ABS-CBN 2 dahil isang pamhinta anga ka-love triangle nila sa katauhan ni JC Santos. Pinag-uusapan sa social media ang pag-a-out ni Ali (JC) at  pag-amin na “I am gay”.

Inamin din niya na mahal niya si James Reid (Basti) at love naman ni Basti si Iris (Nadine Lustre na dating ka-MU ni Ali). Maraming bading at pa-mhin ang nakare-relate sa serye.

Mainit na tinanggap sa primetime ang pagbabalik nina James at Nadine matapos pumalo ang seryeng Till I Met You sa average national TV rating na 28.5% at agad na nakuha ang ikapitong puwesto sa buwan ng Agosto.

Pawang Kapamilya shows ang bumuo sa top ten list ng pinakapinanonood na programa sa bansa kaya naman ABS-CBN pa rin ang nanguna sa buong bansa noong Agosto sa average national audience share na 47%, base sa datos ng Kantar Media.

Nangunguna pa rin sa listahan FPJ’s Ang Probinsyano na may average national TV rating na 41.2%..Sinundan ito ng kakatapos lang na The Voice Kids (39.4%) na hinirang na grand winner si Joshua ng FamiLEA, at Dolce Amore (34.5%) na masayang nagtapos ang love story nina Serena at Tenten.

Pasok din sa top ten ang Wansapanataym (34.1%), TV Patrol (32.7%),  MMK (31.8%), Home Sweetie Home (28.2%), Goin Bulilit (27.2%), at  TV Patrol Weekend (22.4%).

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …