Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nur Misuari ‘sanggang-dikit’ ng Abu Sayyaf

091416_front
NANATILI ang alyansa ni Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari sa mga teroristang Abu Sayyaf Group (ASG), ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang talumpati sa 48th anniversary ng ika-250 Presidential Airlift Wing sa Villamor Air Base, Pasay City kahapon, ibinuko ni Pangulong Duterte ang direktang koneksiyon ni Misuari sa ASG.

Hindi aniya makapagpasya si Misuari kung kailan lalabas sa kanyang lungga sa Sulu para makipagkita sa kanya nang personal gaya nang napagkasunduan nila nang magkausap sa telepono mahigit isang linggo na ang nakalilipas.

“Si Nur naman could not make up his mind bit I hope someday he would decide because ‘yang Abu Sayyaf is out of his control. I’m sorry to say it in public,” ayon sa Pangulo.

Nagpapalitan aniya ng mga gamit ang MNLF at ASG, bagama’t may natanggap siyang ulat na may kasalukuyang iringan ngunit maaaring magkaisa rin.

“Ang mabuti sa problema natin sa Abu Sayyaf there is flash point between MN and Abu Sayyaf they are exchanging things there, I know the wife there is in conflict going on but at the end of the day you might just take one look at them baka magkaisa,” aniya.

Binigyan-diin ng Pangulo, kung hindi malalabanan nang husto ang terorismo sa Mindanao ay maaaring humantong sa digmaang sibil ang problema sa insurgency at terorismo sa bansa kaya hirit niya sa mga sundalo ay unawain ang isinusulong niyang peace talks sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army- National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

“We could very well fight terrorism in Mindanao, it could generate into a full blown civil war that’s why we are trying to talk, naareglo ko na ‘yung, in so far as just talking, don’t be dismayed by the fact were talking to the left much as I would like to be strict about this thing about war but I’m a president and my job is seek peace of land,” aniya.

Pinuri ni Duterte ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na bukod sa kooperasyon sa peace talks ay tumutulong sa kanyang kampanya kontra- illegal drugs.

“Mabuti na lang ang MI has adopted a good neighbor policy like almost a belligerent country but not still they agreed to talk to us and as a matter of fact help us in the arrest of several suspects and of people involved in drugs,” aniya.

Giit niya, hindi puwedeng habambuhay na magpatayan ang mga Filipino kaya napagkasunduan ng kanyang administrasyon na gamitin ang puwersa sa Mindanao.

“We cannot be forever fighting Filipinos. We cannot be forever killing our own citizens. So we agreed to talk we can sue the extra force now you can focus them on Mindanao,” sabi ng Pangulo.

Nauna nang hinamon ni Pangulong Duterte ang MILF at MNLF na putulin ang koneksiyon sa ASG upang umiral ang tunay na kapayapaan sa Mindanao.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …